Sabi nila,
'pag may alak, may balakWala naman akong masamang balak sa'yo
Pero wala kang ginawa kundi saktan akoKaya ngayon, kape na lang ang gamot sa mga sugat ko
Umiinom nga ako ng kape habang sinusulat 'to
Ninanamnam ang tamis at pait ng mga pasakit moPinagbawalan mo pa nga akong uminom ng kape noon
Sabi mo, masama at delikado para sa puso koPero ngayon aking napagtanto
Na mas masama at delikado ka pala para sa aking pusoSabi mo, magkakasakit ako pag nasobrahan sa kape
Pero mas masakit pala ang iwan ng walang pasabiSabi nga nila, baka raw nasobrahan na ako sa kape kaya ang pait ko
Hindi nila alam, ganito ako dahil sinaktan mo.Siguro ito na ang panahon para kalimutan lahat ng iyong sinabi
Magtitimpla na lang ako ng kape
BINABASA MO ANG
M A K I N I L Y A
PoetryKoleksyon ng mga tulang isinulat upang bigkasin at itanghal.