Kape

38 1 0
                                    

Sabi nila,
'pag may alak, may balak

Wala naman akong masamang balak sa'yo
Pero wala kang ginawa kundi saktan ako

Kaya ngayon, kape na lang ang gamot sa mga sugat ko

Umiinom nga ako ng kape habang sinusulat 'to
Ninanamnam ang tamis at pait ng mga pasakit mo

Pinagbawalan mo pa nga akong uminom ng kape noon
Sabi mo, masama at delikado para sa puso ko

Pero ngayon aking napagtanto
Na mas masama at delikado ka pala para sa aking puso

Sabi mo, magkakasakit ako pag nasobrahan sa kape
Pero mas masakit pala ang iwan ng walang pasabi

Sabi nga nila, baka raw nasobrahan na ako sa kape kaya ang pait ko
Hindi nila alam, ganito ako dahil sinaktan mo.

Siguro ito na ang panahon para kalimutan lahat ng iyong sinabi
Magtitimpla na lang ako ng kape

M A K I N I L Y ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon