Utak o Puso?

34 1 0
                                    

Mahal, nakita ko na magkasama kayo.
Nakita ko kung gaano siya kasaya na masilayan ang mga ngiti mo.
Mahal, plano natin ang tinupad niyo.

Sana man lang sinabihan mo ako.
Para sana alam ko na siya ang ipapalit mo.

Pero teka.
Nakakatawa.

Wala nga pala akong karapatan.
Ako nga pala ang nang iwan.
Ako nga pala ang iyong iniyakan
ng ilang minuto, oras, araw, linggo, buwan.
Mahal, ikaw nga pala ang nilisan.
Ako nga pala ang nang iwan.

Pero teka.
Nakakatawa.

Nung nakita ko kayo,
nasaktan ako.
Oo.
Sige.
Aaminin ko.
Nasaktan ako.

Ikaw na ang iniyakan ko
ng ilang minuto.
Minuto na naging oras,
pero hindi linggo.

Nandyan ang mga kaibigan ko.
At di ko napigilang magkwento.
Nasabi kong nasaktan ako nung nakita ko kayo.
Pero ang sagot nila,
"Bakit ka masasaktan kung hindi na siya ang mahal mo?"

Nagagalit ako na kayong dalawa ang magkasama.
Pero hindi ko rin maisip na magkabalikan tayong dalawa.

Nasasaktan ang puso na may iba ka na
pero sabi ng utak,
"Hindi mo na siya mahal, diba?"

Ngayon, para akong lubid na hinihila sa magkabilang dulo.
Gusto kang bawiin ng puso,
Pero ayaw ng utak.
Hindi ako sigurado kung alin ang mas malakas ang hatak.
Basta alam ko, para akong winawasak
ng sarili ko.

Pero nalaman ko...

Mahal, ako pa rin pala ang iniiyakan mo,
kahit meron ka nang bago.

Kaya andito ako, mas nalilito.

Alin ba ang susundin?

Utak o ang puso?

M A K I N I L Y ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon