Mga araw na puno ng lungkot
Mga matang kinusot
Dahil namula na sa pag-iyak
Timba timbang luha ang inilabasIiyak muna bago matulog
Ipamumunas ang kumotYayakapin ang mga unang nalunod
Buti pa ang nakaraan, napaguusapan
Pero ang tampuhan, kinalimutan na lamangTeka,
wag kang magalit
Hindi lang naman ikaw ang nasasaktanAng mga kamay ko'y puno na rin ng galos sa kakasubok na hilahin ka pabalik
Pilit pa rin akong humahanap ng paraan upang maibalik ang init
Teka.
Pagbigyan mo ako.
Hindi ako sigurado kung ito na ang huling subok ko.
BINABASA MO ANG
M A K I N I L Y A
PoetryKoleksyon ng mga tulang isinulat upang bigkasin at itanghal.