Isang Buwan, Isang Taon

24 1 0
                                    

(nakita ko lang sa mga nakatagong papel, matagal ko na palang naisulat ito, nakalimutan ko na nga)

Tinanong ako ng kaibigan ko noon,
"isang buwan o isang taon?"
Natawa pa nga ako
Sabi ko,
"'wag na, maglolokohan lang tayo"

Pero napagtanto ko
na lumipas man ang isang buwan o isang taon
Ay hindi ko pa rin magawang ibaon
ang masasaya nating alaala noon

Isang buwan
Isang buwan kitang iniyakan
Isang buwan kong pinilit na ibalik ang nakaraan
Pagkalipas ng isang buwan,
pinilit kitang kalimutan
Pinilit kong ibaon ka sa kawalan
Pero nakalipas ang isang buwan
Ikaw pa rin ang laman ng puso't isipan

Isang taon
Tila nakakulong pa rin ako sa isang kahon
Sinakop mo ako gaya ng pagsakop sa Pilipinas ng mga Hapon
Nasa loob akl ng isang hawla
Nasa akin ang susi ngunit ayokong kumawala
Gusto kong manatili sa bisig mo
Ngunit ikaw mismo
ang nagpamukha sa akin na
di na ako kailangan pa.

(A/N: Tapos na ho ako sa stage na ito. HAHAHA.)

M A K I N I L Y ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon