CHAPTER 1

980 7 0
                                    

" Ra Ra ! Bangon na ! Alas Syete na ! P*tanginang bata ka, late ka na naman! ! "

Jusko. Daig pa alarm clock ! Ayan na naman po si Lola kong bungangera ! Siya yan ! Sino pa nga ba maglalakas loob na tawagin akong 'Ra Ra' ? MAJOR EWWWWW. 

Ah, oo. SI lola yang gumigising sa akin. SIno pa nga ba? Eh ung lola ko yung kasama ko sa bahay. Siya yung nag aalaga sa akin eh. Yung parents ko? CHANGE TOPIC. TOO LAME TO TALK ABOUT ! 

7 am na. Eh 7:20 yung flag ceremony. Hindi pa ako naliligo, kumakain at nagbibihis. Well, what's new?  It's been a month na nung nagsimula akong magkaganito...

WALANG DiREKSiYON, WALANG iNSiPiRASYON. Nagsimula lang to nung madiskubre naming niloloko lang pala ako ni ...

"Hoy Zandra Coleen Santos Robles ! Tumayo ka na jan kung ayaw mong buhusan kita ng kape. Handa na ang almusal. Pinag init na rin kita ng tubig. Plantsado na yang uniform mo. NaShine ko na rin yang sapatos mo. Dinagdagan ko pa allowance mo, tignan mo man sa wallet mo. Kaya bangon na jan! Ayan na ako! "

 Hay. Ang sweet talaga ng lola ko. Yang lola kong masayahin, palangiti, at mataba. Whahahaha, Kahit napakakulit naming pareho eh  mahal naman namin ang isa't isa. 

Hmmmmm. Makatayo na nga. Baka bawasan pa yung allowance ko eh. ^^ 

Agad kong kinuha yung towel ko at suklay ko. Naligo, at nagbihis. Naks ! Ang ganda ko talaga! Hmmmm. Maputi, long haired, singkit din ang mga mata kong kulay brown, matangkad din ako.  MATANGKAD KUNG IKUKUMPARA SA GRADE 4 STUDENTS. HAHAHA. OO NA, FUN SIZED AKO, PERO MAGANDA PA RIN :P  XD

Sino aangal ? BasagFaceYouWant? Hahaha. Eto naman talaga yung totoong ako eh. Madaldal, joker, palatawa, at mapambara. XD Lintik kasing lalaking yun, lakas ng epekto sa akin. G*go eh, di naman ako barbie doll para paglaruan.

Hu, mamaya na nga ang drama. LezzEat Breakfast muna.

=LAMON MODEEEEEEE=

Ang sarap talaga ng specialty ni Lola ! Pritong itlog. HAHAHAHA. Pero masarap talaga yung kaPartner nitong HOT PANDESAL at HOT CHOCOLATE. yumyumyum ^^

Ang bagal kong kumain. 7:30 na. Late na talaga ako. I kissed my lola then naghintay ng tricycle. Ayokong magpahatid sa van namin eh, AYOKO NG BANTAY SARADO.

DUMATING AKO SA SCHOOL.  SHOCKS. FLAG RAiSiNG NA. HAHAHAHA. PUMiLA NA AKO SA TAPAT NG CANTEEN. LAGI NAMAN EH. DUN NAKAPiLA YUNG MGA LATE COMERS. :)

Nandun ako. Dinadaldal ko yung iba pang Late habang nagpaPanatang Makabayan. Hanggang sa may nakita akong nilalang. Isang kasuntuk suntok na nilalang. Isang taong gusto kong saktan pero pag nakikita ko, DI AKO MAKAGALAW SA AKING KINATATAYUAN ... </3

Handa na ba ako?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon