Para sa'yo, 14 na taon mula ngayon

15 0 0
                                    

Pagod akong pumunta sa Razon's para kumain.
Hindi mawala sa isipan ko 'yung sinabi ni Nileca.
Huminga ako ng malalim. Kailangan ko muna magpalamig ng utak bago magpakita kay mama at baka may masama pang mangyari. 

Pumasok ako ng girl's restroom para maglabas ng lemon juice at para na rin maghilamos ng muka. Pinunasan ko 'yung muka ko at naglagay ng baby powder. Nagsuklay na rin ako para lumambot 'yung aura ko. 

Tumingin ako sa salamin at kinumpara ang sarili ko sa babaeng kasama niya. Kung ako ay may chinita na mga mata at siya naman ay may mabilog na mata? Sino mas maganda sa paningin niya? Ano bang malay ko sa type niya. Bigla kong nilagay yung dalawang kamay ko sa muka ko at narealize na sa itsura na ako bumabase. Nakakainis na ah naiinis na ako sa sarili ko.

-Oreo's POV-

Naglakad kami ni Nileca palabas ng mall para makauwi. Habang naglalakad kami nagsalita siya.

"Estudyante mo ba 'yon? Anong grade na siya?" tanong niya

Tumingin ako sakanya at sumagot "Dati estudyante ko 'yon, grade 9 na kasi siya." 

"Aah. Kung ganon, siguro close kayo? Para sundan ka non, haha." sagot niya

"Haha, oo, close kami." sagot ko

"Cute naman." sabi niya

Oo, close kami, dati. Hindi ko na binganggit 'yung dati lang kami ganon ka-close at baka magtanong pa si Nileca. Isa parin akong teacher at gagawin ko ang dapat para sa mga estudyante ko. Nag cr muna si Nileca bago bumaba ng 3rd floor. Nag-antay lang ako sa labas at kung saan-saan lang ako napapalingon, maging sa baby, sa puppy, sa bata, at sa mama ni Reian. Haha. Tumingin lang ako sa kanan at dumaan siya sa harap ko. Hindi nga nagsinungaling si Reian sa akin. Bakit ba ang daming nagtatagpo sa dami ng tao dito. 

Sinigurado ko'ng mama nga ni Reian 'yon hanggang sa mawala na siya nang lumiko.

Lumabas si Nileca at dumiretso sa tabi ko at malambot na sinabi ang " 'Lika na."
Tumungo ako at sabay na kaming naglakad.




Mali ba 'to?Where stories live. Discover now