-J's POV-
Kinabukasan, pumunta ako sa lamesa ni Yeyeng. Wala siya doon kaya't kumuha nalang ako ng isang pirasong sticky note. Sinulat ko doon na..
Yeng,
Kausapin mo nalang si Reian kung ano ang totoong problema. Baka naman kasi inaasar ka lang non o 'di kaya iba naman ang dahilan niya para hindi ka niya pinapansin. Pati ako nadadamay eh.
Sa tingin ko pwede siya mamayang hapon. Second trip naman siya. Kaibigan parin natin 'yon at marami na ang nagawa niyang mabubuti sa atin. Ibalik din natin 'yon sa mabuti na batang iyon, haha. :)
-J
Pagkatapos ko na isulat 'yon idinikit ko siya sa record book niya. Ayoko nang sabihin 'yon sakanya at baka may makarinig pa na chismoso at chismosa, baka tignan pa sila ni Reian.
-Reian's POV-
Inimbita ako kagahapon ni Panget na may sasabibin siya mamayang hapon sa mga lamesa malapit sa faculy, tutal naman doon ako lagi tumatambay. Haha. Ang sarao tawagin ng "Panget" si Jean. Natutuwa ako at hindi siya naaasar kapag ka tinatawag ko siya na ganon.
Ano kaya ang sasabihin niya? Kinakabahan ako ng ewan. Baka naman niloloko lang ako non, 'wag ka ng umasa Reian. Baka may gusto na siyang iba, katulad ni Oreo.
Naisip ko kung sino ang pipiliin ko sa kanilang dalawa...
Ang hirap.
Hanggat maaari eh hindi ko na iniisip iyon at ikakasira pa ng utak ko. Pero pano kung tatanungin ni Bach na kung pwede pababa kami? Ano ang sasagutin ko? Mabuti nang ready ako maskina nagmumuka akong feelingera. Normal lang naman siguro isipin iyon dahil naging kami noon.
Naglaro kami nila Mari, Drea, Riel at Jayn ng Jenga. Walang nagpapatalo sa amin. Sumali na rin sina Bradley at Matt.
Naalala kong may napanuod akong video na may isang lalaki at babae na naglalaro ng Jenga. Kung sino ang natalo ay maghuhubad ng isang sinusuot nila.
Pano kaya kung ginawa namin iyon ni Oreo?
Nanlaki mata ko. Nandiri na ako sa sarili ko at bakit ko pa iniisip iyon. Ako na ang sumunod na titira, kinuga ko ang isang piyesa ng dahan-dahan. Napa-isip ulit ako kung ano ang itsura ni Oreo kapag nagtanggal ng shirt.
Pagkakuha ko ng piyesa ay nahulog lahat. Natalo ako, kainis. Bakit ko pa laso inisip iyon?!
Distraction naman yung lalaking iyon. Umiinit leeg ko dahil sa kakaisip sakanya. Hay, kahit papaano babae parin ako na may gusto sa isang lalaki.
Dumating na ang hapon at bawat minuto ay kinakabahan ako. Umupo na kami ng mga kaibigan ko sa mga bakanteng upuan ng lamesa. Nagkwekwentuhan kami ng kumaway na sa akin si Panget.
Napansin na siya nila Jayn at Mari
"Una na kami Reian ha? Ingat!" sabay alis sila
Alam na nila ang mangyayari dahil kinuwento ko na sakanila.
Umupo si Panget at ngumiti ng maayos sa akin. Hinawakan ng kanang kamay niya ang kaliwa niyang kamay.
"Oh, mabuti naman at inantay mo ako. Akala ko wala ka na dito." sabi niya
"Ano ka ba, hindi ko gagawin iyon. Sasabihin ko naman sayo kapag hindi ako makakapunta." sagot ko
"Salamat, Reian." sabi niya
Ang seryoso niyang sinabi iyon. Siguro nga nay sasabihin siyang importante sa akin. Sana naman ay hindi niya lang ako pinapatawa.
"Haha, walang anuman. Hindi naman ako ganon ka insensitive." sagot ko
"Wahaha. Ayun yung gustong gusto ko sa iyo eh, iniisip ang karamdaman ng iba." dagdag niya
Namintig ang buong katawan ko nang marinig ko iyon. Nagulat ako sabay kilig. Pero sa sobrang gulat eh parang natunaw na ung kilig reaksyo ko. Ngumiti ako ng malaki at sinabi ko na
"Ano nga pala yung sasabibin mo sa akin?" tanong ko
Tumingin siya sa aking mga mata at nagsalita..
-Oreo's POV-
Nabasa ko yung letter sa akin ni J. Tama nga naman 'yung sinabi niya, pero hindi ako sigurado kung makakakuha nga ako ng sagot kay Reian. Ano ka ba? Ikaw si Oreo. Mas matanda ako sakanya at isa akong titser, ipapasagot ko siya kahit na anong iwas niya.
Nagsuklay ako ng buhok ko at kumain ng bubblegum. Nagnguya-nguya muna ako ng sampung minuto. Habang ngumunguya eh pumasok si J sa faculty. Napatingin siya sa akin at tinaasan ako ng kilay.
"Oo, gagawin ko." sabi ko sakanya
"Mabuti naman. Galingan mo ah."
sagot niyaNingitian ko siya at niluwa ang bubblegum sa isang tissue. Tumayo ako at lumabas. Itinapon ko ang tissue ng makita ang likod ni Reian. Inisipan ko na kausapin na siya. Naglakad ako ng kaunti ng marinig ko si Jean na magtanong ng
"Okay lang ba sa'yo na.. magkabalikan ulit?" tanong niya kay Reian
Tumigil ako sa paglalakad ng marinig iyon. Magkabalikan? Naging sila dati? Oo, nahalata ko dati na magakalapit silang dalawa noon, pero hindi sa ganon.
...
Hindi na niya ako pinapansin dahil masyado dahil sakanya. Ginagawa na niyang ipalit ako dahil nakita niya kami ni Nileca.
"Siguro iyon ang dahilan.." bulong ko sa sarili ko
YOU ARE READING
Mali ba 'to?
Romance"Mali ba 'to?" Akala mo masaya, pero marami ka pa palang iintindihin. Gugustuhin pababa kita o 'wag na, maiisip mo 'yan bandang huli. Art cover: Bygone Days by yuumei.deviantart