Para sa'yo, 14 na taon mula ngayon

17 0 1
                                    

Nagtago ako sa gilid ng bahay na nasa tabi ko. Magkasing height lang sila ni Oreo.
Ay saglit lang, may half an inch na heels pala 'yung sapatos ni Oreo tapos 'yung babae naka flat shoes. 

Lumalapit ako habang lumalayo sila. 
Sa bawat segundo eh parang tinutusok ng paulit-ulit 'yung puso ko ng karayom habang nakikitang sabay pa 'yung paa nila sa bawat hakbang. 

Bawat hakbang naman eh humahapdi na 'yung mata ko.

Gusto ko nang tumigil pero ang tanga-tanga ko lang talaga. Muka na akong stalker dito. 

Pano na kung nakita niya ako? Parehas ang daan na pupuntahan namin.

Wala naman sigurong problema doon. Gusto ko makita reaksyon niya pag may nakakita na estudyante sa kanilang dalawa. 

Pero ang hirap naman gawin, lalo na at may feelings ako sakanya. Ang hirap umarte na parang wala lang.

Hindi ko na nagawa nung napunta na sila sa kalsada na sila at pumara ng fx. 

"Ah." Ano nang gagawin ko ngayon? Saan ba sila pupunta?

Nakalagay doon sa van 'yung SM Fairview. Sumakay na sila at umalis. Naiwan na ako dito. 
Gusto kong sumunod. Pero imposible naman, wala akong dalang phone. Wala akong paalam.
Matamlay akong sumakay ng tricycle pauwi, iniwan na ako ng service ko. Hindi natuloy plano ko.

Nagbayad ako sa tricycle nung nasa tapat na ako ng bahay namin. Pumasok ako sa kwarto ko. Nagtanggal ng medyas, relos, at nagbihis. Humiga lang ako pagkatapos non at wala nang malay na nakatulala nalang. Pinigilan ko sarili kong maisip 'yung pagmumuka nilang dalawa, kaso sa ganda ng babaeng iyon, mukang mas may chance pa siya kaysa sa akin. Muka rin na magkakilala na sila dati pa. Baka naman kamag-anak lang niya, pag hindi, ewan ko lang kung lalaban pa ako.


Biglang may kumatok sa pintuan
"Ano 'yon?" tanong ko


Binuksan niya 'yung pinto at sumilip. Si mama pala. 

"Kailangan ko na mag grocery, wala na tayong pang-ulam bukas. Sama ka?"

Sa narinig ko halos gusto ko nang umiyak.

Habang nasa cashier na si mama nagpaalam akong maglibot. Pumayag naman si mama.

Tinutulungan na ata ako ng langit sa pinaglalaban ko dito. 

Naglalakad ako ng mabilis habang tinitignan isa-isa 'yung mga tao. Andidito pababa sila?

Parang imposible ko pa atang makita pa sila dito. Sa laki at dami ng tao.

Pero 'di ako titigil hanggat hindi pa ako tinatawag ni mama. Nag-isip ako ng mabuti kung saan

sila posibleng pumunta. 

Tumakbo ako.

Sa food park?

Wala.

Sa McDo? (Umasa akong nandoon sila sa famous break-up spot.)
Wala.

Sa Jollibee? 

Wala.

Sa City Buffet?

Wala.

Nagugutom na ako sa mga nakita ko. Hindi pa ako sumuko. Naghanap pa ako sa mga bench/, Forever 21, at pati na rin sa BDO. Wala.

Napa-upo ako sa mga upuan sa tapat ng pet shop. Ang sakit na ng binti ko kakahanap.

Bakit ko pa pinapagod sarili ko? Bakit pa kasi ako umaasa? Ang cute nung aso. Pumasok nalang ako sa pet shop para sumuko. Nanonood nalang ako sa asong ginugupitan nung guwapong taga-gupit. Aww sana ako nalang 'yung aso. Nakikita ko 'yung muka ni Oreo doon sa naggugupit. Pati na rin ata 'yung boses niya.


"Ha?" nagtaka ako. Siya ba iyan?

Tapos pagtingin ko sa salamin na nakaharap sa akin at sa mga aso, nakita ko 'yung repleksyon nilang dalawa.

"Kaya pala." sagot ko sa sarili ko


         





Mali ba 'to?Where stories live. Discover now