Para sa'yo, 14 na taon mula ngayon

19 0 0
                                    


Nag picture kami.
Naka puti akong off-shoulder na dress. Bumulong ako kay Jayn noong oras na iyon. 

"Oreo." bulong ko kay Jayn

Paalis na ang mga inbitadong mga guro bago mag 8 ng gabi. Paalis na sila at wala parin akong picture ng kaming dalawa sa birthday ko. Naawa siguro sa akin si Jayn at sinabi niya kay Oreo kung pwede ba ang magpa-picture. Hindi umalis si Oreo sa puwesto niya na nasa tabi ng gate.


Nahiya pa ako at di ako makalapit sakanya noong hinahatak na ako ni Jayn dahil nakakahiya na at ang tagal ko. Lumapit na si Itay kay Oreo. 

"Hoy, halika na," utos ni Itay
"Wait lang daw. Magpapapicture." tugon ni Oreo

Hala nahiya na ako. Nagpatulak na ako sa walang kalakas-lakas na tulak ni Jayn. 

Sana mabilis lang ito. Sana mabilis lang ito.
Sana mabilis lang ito. Sana mabilis lang ito.
Sana... tumagal tayo ng ganito.

*click*

"Okay na, happy birthday." sabi ni Jayn

Saglit lang ako ngumiti kasi alam ko naman na hindi tatagal iyong ganong pakiramdam, lalo na noong naalala ko pang aalis na sila.

"Bye, Reian! Happy Birthday!" sigaw ng mga guro kong mapagmahal

Sinara na nila 'yung gate. Pakiramdam ko tapos na 'yung party, pero nung pagtalikod ko nakita ko pa ang pamilya kong nag-effort para sa party na ito, at ang mga kaibigan kong nakangiti ang alam pa na mas kulang ang birthday na ito pag wala sila.

"Tara games!" sigaw ko
---------
March X, XXXX
9:52 AM
Recess

"Haaaayy.." nag stretching ako at umupo. 

'Di ko pa siya nakikita. Nakakatuwa nung nakita ko silang naglalaro ni Itay ng paper dance, kaso nagpatalo sila agad. Si Oreo ang taong nasa puso ko. Oreo ang tawag ko sakanya kahigt hindi iyon ang totoo niyang pangalan. Siya ang Math teacher ko dati na maliit at ang nakita ko sa hallway papuntang girl's CR. Si Itay naman ang tatay-tatayan kong Math teacher ngayon ng 9th grade. Siya ang best friend ni Oreo. Hindi mo sila maipaghihiwalay sa mga kaganapan na may kinalaman sa eskwelahan.

5'9 si Itay at si Oreo naman ay 5'3, cute nila no?
Ano naman height ko? Basta ako ang pinakamatangkad sa mga babae sa tropa namin.

Mag iintroduction muna ako.

Sa mga lalaki, si Brad ang pinakamatangkad; sa lahat na din
Sunod si Iel, ang magiging SSG president next school year.
Pangatlo naman si Matt, ang mapagmasid at introvert naming kaibigan.
Ako naman, si Reian, ay ang tapat at masipag na nilalang.

Si Jayn naman, ang 

Itong susunod na apat ay halos magkakapantay. Nahirapan akong mag ranking dito.

Tatawagin ko silang "The Four 4" and above grills"

Pang-anim si Mari, may scoliosis ang bebe namin kaya minsan hindi halata sa mga picture. Siya ang voice of the group at ang nagbibigay ng ngiti at saya sa amin. Tiga-tunog ng likod namin.

Tie si Riel kay Mari, siya ang mabait at qt bebe sa aming grupo. Pag na-trigger siya ingatan niyo na ang iyong mga tainga.
Sunod si Drea, ang sawi at lagi mukang triggered. Fan ng SNSD at ni Kim Sejeong. Half qt half hell.

At ang huli, si Chia, ang maintindihin at maunawain na prend. Teddy bear ng grupo namin.

9 kami sa aming tropa. "TBNM" ang pangalan ng grupo namin. Hindi ko alam kung official na talaga 'yon dahil doon sa meaning niyan, pero ayon na ang binabanggit namin.

"Haha! Alala mo 'yung nag-ano kayo nung whipped cream tapos ang nalagyan ay 'yung kuya ni Reian imbis na kay Mari?" sigaw ni Chia

"Ahaha! Oo, ganda ng prize ng talo no?" sagot ni Jayn

"Onga eh" sabay na sagot ni Matt at Mari

"Pag pinapanood ko 'yung video hindi ko mapigilang tumawa pff." sabi ni Drea

"Buti naman nagsaya kayo ha. Baba tayo Rieeel, bili tayo." sabi ko kay Riel

Bumaba kami at bumili ng pagkain. Bumili ako ng corndog at iced tea. Umupo kami ni Riel sa mga upuan malapit sa H.S. faculty. Pagkatapos kong kumain ay nag C.R. ako. Sumilip ako sa bintana ng facultu nila at nandoon siya, may kausap sa phone. May nag bukas ng pinto ay bigla kong narinig ang boses niya ng mas malinis. 

"Haha nice. Gusto mo kita tayo mamaya, Daisy?" tanong ni Oreo 

Daisy? napatanong ko sa sarili ko. Wala naman atang ganon na pangalan na binaggit niya sa akin. Baka naman kamag-anak niya o kaibigan... o ka-ibigan? 

*slam*

Napasara ko 'yung pinto ng malakas. Nanikip nanaman 'yung dibdib ko.
Ano ba Reian, tumigil ka nga, wala namang sayo, lalo na siya. 

Badtrip ako buong araw dahil sa narinig ko. Parang ako 'yung girlfriend niya para magalit ako ng ganon. Hindi ko na pinahalata sa mga kaibigan ko at baka magtanong pa. Ayoko muna ikwento sakanila at baka mali lang pala ako.

_____

5:40 PM
AF Homes

Huminto muna ako kanila Chia para makikain, nagutom ako dahil kakasigaw sa Red Dragons o ang Team Grade 9 sa Sports Fest, para na rin siguro makalimutan 'yung narinig ko kanina, nakakasama lang ng pagkatao ko ang magalit.

Ngayon nabusog na rin ako, nagsaya narin kami kakapanloko kanila Drea at Jayn.

Pero bumalik agad ang masamang kalooban ko nung may nakita akong nakaka-putok ng puso.
Si Oreo na nakangiting nagsasalita kasama ang babaeng naka puti na off-shoulder na dress at may mahaba at makintab na buhok. 





Mali ba 'to?Where stories live. Discover now