Para sa'yo, 14 na taon mula ngayon

22 0 0
                                    

-J's POV-

"Nakita niya kami ni Nileca." sagot niya

"Oh? Ano naman ngayon?" tanong ko

Tumingin lang siya sa akin. Pagkatapos non eh yung muka niya parang may narealize siya.

"Siguro ayaw ko lang mawala friendship namin." sagot niya

Ang gulo din nito eh noh. Ano naman mangyayari sa friendship niyo pag nagka-gf ka? Kung sabagay, may gusto sakanya si Reian. Teka, o baka naman ayaw mawala ni Yeyeng yung feelings ni Reian para sakanya.

Tinignan ko lang siya. Nakasimangot siya habang binibilang yung mga reply slips. Naiinis siya siguro kasi may hindi nagpasa. Pagkatapos, pinatong na niya sa folder. Binuksan niya notebook niya at nilagay "complete". Hindi pala siya naiinis dahil doon, eh bakit siya naiinis.

Siguro may gusto rin siya sa isang estudyante.

Bumalik na kami sa court. Volleyball naman ngayon.  Nakaupo ako sa tapat ng scorer at nasa likod ko naman si Reian at Jean. Isang beses muntik ng tumama yung bola kay Reian, pero naharangan ni Jean. Nag thank you si Reian at tila parang kinilig. Nakita ko yung reaksyon ni Yeyeng. Wahaha. Wow, naka crossed arms lang siya buong magdamag.

Minsan may nararamdaman nalang ako na may tumitingin sa banda rito. Tumitingin ako sakanya at bigla siyang aalis ng tingin. Nako, Yeng.

Siguro humihingi na rin siya ng tulong? Hindi naman maiiwasang may magkaibigan na nagkakagusto sa isa't isa dito, lalo na't estudyante palang kayo. Ganon siguro sila Jean at Reian. Hindi parin ako pinapansin ni Reian, nadamay na ako dahil sayo, Yeyeng.

Tumalikod ako at kinausap si Reian ng patuwa.

" 'Oy, Reian. Bagay sa'yo mag volleyball."

Tumingin siya sa akin, sumagot naman, pero hindi naka ngiti.

"Po? Bakit naman po." sagot niya

"Malakas ka'ng humampas eh, haha." hindi na ako nagisip bago magsalita. Hindi ko alam kung magagalit ba siya o hindi. Compliment 'yon promise.

"Ahaha, ganon po ba." sagot niyang mahinhin.

Ang awkward. Tinignan ko si Yeyeng. Nagkatinginan kami. Biglaan akong tumawa, tinakpan ko bigla bibig ko.

Sinungitan niya ako. 'Sensya na oh.

- Jean's POV-

Namiss ko si Reian. Ang tagal naming hindi nagusap. Namiss ko lahat. Boses niya, pagsalita niya, at ang oras namin. Mabuti at pinansin niya parin ako, pagkatapos ng hindi namin pagkakaunawa sa isa't isa.

Nagsama kami palagi ngayon. Siyempre binigyan ko siya ng oras para sa mga kaibigan niya. Sabay kaming nag checheer palagi. Todo bantay naman ang mga kaibigan niya sa amin.

Si Riel nakatingin sa kamay ko. Si Drea naman ay nakatingin kay Reian. Si Jayn naman ay nakatingin sa tuhod ko. Si Mari naman sa kamay ko. Ahaha, ang swerte mo Reian, may ganito kang bodyguard.

Hindi na ako naglaro sa basketball para makasama lang siya. Siya ang dahilan kung bakit pa ako masipag pumasok. Kailangan kong bumawi sakanya pagkatapos ng katangahan ko.

"Reian, kung okay lang ba eh.." tumigil ako sa pagsasalita. Ang daming taong nakapalibot sa amin. Mamaya nalang ba o bukas. Kung bukas, last day na ng school. Sige, bukas nalang. Bibili pa ako ng ikakatuwa niya, at para matandaan niya ako.

"Ano 'yon?" tanong niya

"Ahahaha wala wala." sagot ko, pero halatang may seryoso na akong sasabihin sakanya.

"Sus, grabe ka naman." patawa niyang sinabi

Hindi na niya pilitin alamin, kinabahan na rin siya. Siguro alam na niya kung ano 'yon.

Sige! Magreaready ako para bukas.
Sana pumayag siya. Alam kong malungkot siya lalo na nung nakita ko siyang may pinoproblema. Masaya ako kapag napapasaya ko ang isang tao.


Mali ba 'to?Where stories live. Discover now