11:11

541 11 0
                                    


Words by: Hamshaina Shynuh

Minsan sinabi mo saakin na humiling lang ako at matutupad...
Sabi mo wag akong mapagod mangarap...

Pero, di mo ba alam na sa bawat hiling ko ay ikaw ang laman nito?
Na pinapanalangin ko na sana Ako lang...
Na sana Hindi kana maghanap ng iba pa...
Na sana kontento kana...

Sa bawat pagpatak ng 11:11, lagi mong sinasabi na humiling ako...

Mahal, saan ako nagkulang?
Saan ako nagkulang, na sa bawat dasal at hiling ko pinapanalangin ko na sana wag kang mawala saakin...
Saan ako nagkulang para lisanin mo ako?

Dati, sabay tayong inaabangan ang 11:11 para sabay tayong humiling, pero ngayon mag-isa nalang ako...

Mag-isa nalang ako...

Mag-isa nalang akong inaabangan ang pagsapit ng 11:11, pero sa pagkakataong 'to iba na ang hinihiling ko....

Hinihiling ko na, sana bumalik kana...
Sana ako nalang ulit...
Sana ako nalang ulit yung mahal mo...
Sana ako nalang ulit ang dahilan ng bawat pag ngiti mo...

Pero sa paglipas ng oras, araw at panahon...
Diko namamalayang nakakapagod na pala...
Nakakapagod ng humiling ng paulit-ulit...
Nakakapagod ng maging tanga...

Kaya Mahal, sa pagkakataong 'to...
Tanggap kona...
Tanggap ko ng talagang tapos na tayo...

Mahal, Paalam...

Hindi kona mabilang kung pang-ilang paalam na ito, pero ito yung tipo ng paalam na hindi na masusundan ng kahit ni isang "kamusta"

Kaya hanggang sa muli, ang tangi ko na lamang mahihiling pagsapit ng 11:11, ay sana masaya kana...
Sana masaya kana sakanya...

Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon