Kaibigan

384 8 1
                                    

"Kaibigan"
Sinulat ni Jude Michael L. Obispo
Para ito sa mga na pe friendzoned :)

Kaibigan? Masarap sa pakiramdam ng may totoo tayong kaibigan.
Na laging andiyan kahit wala silang kailangan.
Na kahit buwan man o taon na kayo'y di nagkikita ay di ka nila nakakalimutan?
Naalala ka na, kinakamusta? Inaalam kung buhay ka pa.
Kaibigan? Sila yung lalaitin ka harap-harapan. Sila yung dumadamay kapag ang puso mo ay sugatan.

Pero paano kapag minahal mo iyong kaibigan?
Aaminin mo ba sa kanya at isusugal ang matagal na pinagsamahan?
Nagdadalawang isip,tibok ng puso mo ay parang kulog dahil sa lakas ng kabog nito.
Kaibigan, " mahal kita hindi bilang kaibigan.
Kundi bilang isang ka-ibigan".
At sinabi mo ring ako'y iyong mahal.
Pero bakit habang tumatagal ay nag iiba ka?
Umaasang sa kakarampot na pag asa masusuklian ang isinugal na pagkaka ibigan.
Isa,dalawa,tatlo hindi lang pala akong 3 buwan umaasa kasi hanggang ngayon ay mahal pa rin kita.
Pinapaulit ulit ko sayo kung pwede bang may ikaw at ako pero laging hindi ang sagot mo.
Paulit ulit mo rin sinasabing mahal din naman kita pero hindi bilang ka-ibigan
Kundi bilang isang "Kaibigan"
Ayoko ng umasa at masaktan ng dahil sa kanya.
Wala na akong magagawa kaya ititigil ko.na ang kahibangang ko sa kanya.
Kakalimutan na ang salitang ka-ibigan sa kasalukuyan at ibabalik ang dating masayang Magkaibigan.
Pasensya na kaibigan,ititgil ko na qng kahibangan,ibabaling ko nalang ang nararamdam sa iba.

Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon