"Kung magiging tayo"
Alam mo kung magiging tayo, isa lang ang maipapangako ko,
Yun ay hindi ako mangangako, dahil ang pangako madalas napapako
Pero sisiguraduhin ko sayo na sasaya ka sa piling koSa una dadahan-dahin lang natin, hindi natin bibiglain.
Isa't isay susuriin muna't kikilalanin,
Para sa huli walang masasaktan at aaray sa atin.
Panget kase kung tayo'y maglilihim.
Di mo mapapansin nahuhulog ka na pala sa akin.Pagnakuha na natin ang isa't isa,
At pag sakto na yung timpla
Parang kape na iniinom natin sa umaga
Ikaw yung kape at ako naman yung matamis na pampalasa
Pagnagsama tayo tiyak masasarapan ka, sa timpla.
Baka makalimutan mo pa nga ang lumisan pa.Pag to natikman mo,
tong klase ng kape na pwedeng mabuo
Kung sakaling mang magigiging tayo
Siguradong hahanap-hanapin mo
Di lang sa umagahan, tanghalian at gabihan mo
Dahil di na sasarap ang kape mo sa tuwing wala ako.Sabay nating kakainin lahat,
Lahat ng masarap, maliban lang sa maaalat,
Dahil ayaw kung mag ka UTI tayo.
Pero kung yan hilig mo, sige sasabay ako.
Wag lang tayong magmasyado,
Para sa sakit iwas tayo.Lilibutin natin ang mundo kung sakaling yumaman ako
Kahit maubusan man at walang wala na ako,
Magsisipag ako at di titigil sa pagtratrabaho
Wag lang mabitin ang mahal ko
Sa paglibot ng mundo na kasama akoTitirik, titirik ang araw sa pagmamahalan natin
Magliliyab ito na parang apoy sa dilim,
maski anong unos pa yan kaya nating sagupain
Basta magtiwala ka lang sa akinPero di ako nangangako na hanggang sa huli'y tayo,
dahil ang pangako madalas napapako
Saka na ko mangangako sayo,
pag sa simbahan na tayo patungo
BINABASA MO ANG
Spoken Word Poetry
PuisiNagmahal Nasaktan Umiyak sa paulit ulit na pang yayari mag mamahal ka pa ba oo susuko na? Spoken Word Poetry