"LARANGAN"

565 12 0
                                    


Sa dinami-dami ng larangan sa mundo
Sa larangan lang ng pag-ibig ako ay talo
Alam mo kung bakit?
Pagsabi mo palang ng I LOVE YOU
Nabuo muna ang araw ko

Babe? Naaalala mo pa ba kung saan tayo nagsimula?
Nagsimula tayo sa chat mo na napakahaba
Nasa isip puso ko'y hindi mabubura
Na kahit anong mangyari nakatatak pa rin ito sa aking memorya

Sa dinami-dami ng lalaki sa mundo
Panginoon salamat sa binigay mo
Dahil napakaswerte ko
Na ang lalaking pinapangarap ko ay natagpuan ko na at ngayon ay mahal na mahal ko

Mahal na mahal kita,
Higit pa sa aking makakaya
Wala ng pero pero, at dina mabibigyan ng dahilan pa
Kasi ikaw lang sapat na diba?

Pasensiya kana
Kasi yon talaga
Ang sinisigaw ng puso ko na
Ang pangalan mo ay ikaw lang talaga
At wala ng iba pa

Salamat sa pasensiya
Kung minsan ako ay napakatagal kumilos,
Sa tagal kong gumalaw napagtiyagaan moko kahit na ang boses muna ay namamaos
Sa kakasigaw kung gaano moko kamahal
Kung gaano ka kasaya
Sa tuwing ako ang iyong kasama
At handa kang ipagsigawan sa madla
Na ako lang talaga
At hindi na mapapalitan pa

Sana hanggang dulo
tayo paring dalawa
Na merong Ikaw at Ako
Ang magpapatunay sa mundo
Na ang forever ay totoo

Madaming pagsubok sa buhay ang mararanasan pa natin
At sana hindi don matatapos ang relasyon na nasimulan natin

Kakapit ako sa maaabot ng aking makakaya
Para sa atin ako ay tataya
Sa larangan ng pag-ibig ako ay mahina
Pero para sa ikakasaya mo, ako ay magpaparaya

Babe, lagi mong tatandaan
Sana wag mong kalimutan
Na nandito lang ako kailanman
Magmamahal sayo ng walang hanggan

Lord salamat sa inyong binigay
Sana hanggang dulo,
Kami pa rin ang tunay
na ang siya at ako ay hindi na MAGHIHIWALAY!

Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon