Mag isang umiibig

411 10 0
                                    

'MAG-ISANG UMIIBIG'

Ang pag-ibig ay hindi tulad ng korales sa ilalim ng dagat na isang daang libong taon bago umusbong.
Kundi bigla-bigla nalang itong susulpot ng walang pahintulot na tulad ng isang mushroom.
'Yung parang mga multong nanggugulat sa mga napapanuod nating pelikula.
Papatigilin ang iyong mundo, hindi makakahinga, minsa'y may pa slow motion pa at mai-estatwa.

Minsan naman ang dating nito ay parang isang malakas na bagyo.
Na may PAG-ASA na nag babalita sa telebesyon at sa radyo.
Isang malakas na bagyo na hindi mo  mapipigilan ngunit ang kailangan mong gawin ay maghanda.
Maghanda sa lakas nitong dala upang sa pagdaan nito ay hindi gaanong mapinsala.

Sabi pa nila, sa walong bilyong tao dito sa mundo ay may nakalaan sa ating isang tao.
Isang taong magdadala sa atin ng pag-ibig sa tamang panahon, taon, buwan, araw, oras, minuto at segundo.
Na kapag tinamaan ka na ng pana ni kupido ay mapapahiling ka nalamang na sana'y asintado.
Asintado sa puso ng taong wala pang mahal, walang ibang mahal, at 'yung mamahalin pabalik tayo.

At kung si-swertihen ka nga naman sa galing pumana ni kupido.
Nakalimutan ko siyang bigyan ng salamin mata niya'y lumabo tila mas malinaw pa yung kay Lolo.
Nganing, ipana ba naman itong puso ko sa taong napana na ng iba.
Edi, ano ako ngayon? Heto, nganga.

Tulad ng mga cliché na istorya ng pag-ibig na nababasa natin sa wattpad at napapanuod sa mga teleserye.
Nagsimula ang kwento nating dalawa-- ay teka, wala nga pala tayong istorya.
Ako lang pala itong nag ilusyon at gumawa ng plot na sa istorya ng buhay mo ay AKO at IKAW ang bida.
Subalit sa tunay na buhay, alam ko Ginoo, isa lamang akong ekstra.

Ngunit ang mga titig mo, Ginoo, ay labis na nakakapanghina.
Mga paru-paro sa aking tiyan ay nais kumawala.
Heto nanaman tayo sa nararamdamang kakaiba.
Nagpalamon sa sistema, nahumaling ng lubos dulot ng kakaibang saya.

Palihim na umiibig, palihim na nasasaktan
Patuloy paring umaasa na masusuklian ang nararamdaman.
Na nagpatihulog parin kahit alam na walang sasalo
Nagpalamon sa damdaming kahit kailan ay 'di masusuklian ni piso.

Ang pag-ibig ko sa iyo Ginoo ay parang anemic na spaghetti.
Kulang sa sauce, maputla, walang kulay, hindi healthy.

Kung gusto, gusto. Kung ayaw, ayaw. Tagalog naman pero alin ang hindi ko maintindihan doon?
Na pinakilig mo lang ako pero hindi minahal. Na pinakilig mo lang ako pero hindi sineryoso. Na pinakilig mo lang ako dahil alam mong gusto kita pero iba ang laman niyang puso mo..

Mag-isang umiibig, mag-isang nasasaktan.
Kasabay ng pagtulo ng aking mga luha ay ang pag-iyak ng kalangitan.
Hinihiling sa bituin sa kalawakan na sana'y hindi lamang understanding ang mutual kundi pati feelings natin.
Tulad ng mga damong sumasayaw ng sabay dulot ng himig ng hangin.

Mas marami man ang naipon kong barya kaysa sa lakas ng loob ng pag-amin ko sa iyo.
Hindi ko na sasayangin ang oras dahil kay bilis nitong tumakbo.
Kahit alam mo na ay aaminin ko paring MAHAL NA MAHAL KITA.
Kahit ako lang itong nagmamahal, umiibig ng mag-isa.

Kasalanan ko naman dahil ako itong umasa.
Ako itong nag asam na sana tayo nalamang dalawa.
Ako itong minahal ka kahit hindi pwede.
Ako itong nag ilusyon na may "TAYONG" mangyayari.

Baka kaya tayo umiibig ng mag-isa ay dahil minamahal natin yung mga taong may mahal ng iba.
Baka kaya tayo umiibig ng mag-isa ay dahil adik tayo sa taong may kina-a-adikan na.
Masyado ko namang ginalingan at umibig ng mag-isa.
Pinaglalaban ang taong lumalaban para sa iba.

Paano mag move-on sa taong hindi naman naging sa'yo?
Paano mag move-on sa relasyong ni hindi nabuo?
Paano makalabas sa lalim ng pagkakahulog?
Paano makaahon sa tindi ng pagkalunod?
Paano kalimutan ang masasayang ala-ala?
Paamo malimot ang sakit na nadarama?
Paano matulog ng hindi siya iniisip?
Paano gumising kung siya ang panaginip?
Paano tumigil kung ayaw huminto?
Paano buohin ang durog ko ng puso?
Paano umalis sa mga yakap mo't bisig?
Paano maka-alis sa sumpang, MAG-ISANG UMIIBIG...

Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon