Chapter 5: That Stephen Guy

227 7 3
                                    

|Stephen|

Bakit kaya magkasama yung dalawang yun?

At talagang nakaakbay pa yung mokong na yun kay Saffy ah? Tss.

Angelo and I are actually in good terms. Alam ko naman na kababata siya ni Saffy eh. Nagkikita rin naman kami sa school, so there's no doubt in saying that he's a good guy. Maraming babae nagkakagusto sa kanya.

Who am I kidding? The hell.

I AM JEALOUS!

May gusto sa kanya si Saffy. Ang masaklap, kinukwento niya rin sa'kin lahat-lahat. Gwapo daw kasi si Angelo.

Mabait.

Responsible.

Matalino.

Cool.

DAFUQ?

Ako rin naman ganun eh. (-_-)

Ang lamang lang talaga sa 'kin niyan...

Mas matagal silang magkaibigan ni Saffy.

And that's the only thing na hindi ko mapapantayan.

AW SHIT.

I can't take this. Masyado silang close. And kitang-kita kay Saffy na gusto niya talaga si Angelo.

Manhid ka ba 'dre?

Aish.

Better be going home.

***

"Koooya!!!" Biglang may yumakap sa'kin from behind. Saan galing 'tong babaeng 'to?

"Ang aga-aga naman ang ingay mo. Tss. How are you?" Sabay ginulo ko 'yung buhok niya.

"Kuya naman eh! Aish." Ayaw niya ginugulo ang buhok niya. Guluhi mo na ang buhay niya, wag lang ang buhok niya. Talaga naman.

By the way, sister ko nga pala. 15 years old, si Alice. Sobrang close kami niyan, bukod kay Saffy, siya lang talaga ang masasabi kog babae na ka-close ko.

"Kuya, I have a new composition. Wanna hear it?"

Hindi pa 'ko sumasagot hinila na niya 'ko sa music room. Tss. May choice pa ba 'ko?

Nagsimula na siyang tumugtog. Ang galing talaga ng kapatid ko magpiano. She looks so calm and peaceful while playing. Parang may bagay na sila lang ng piano ang nagkakaintindihan.

Buti nalang nahanap nya ang bagay na mapagkakaabalahan niya.

'Pag hindi 'yan nangungulit or nagpipiano, tulala lang sya. It's always as if she can't be alone with her own thoughts.

She's so fragile.

Kaya nga hindi ako papayag na may manakit sa kanya. ULIT.

Natapos siyang tumugtog. I gave her a standing ovation. She deserves it.

"Kuya, did you like it? What do you think?" She said as she came up to me.

"Ang ganda. What do you call it?" Sabi ko. Ginulo ko ulit yung buhok niya.

"Ehhh, kuya naman oh! Not the hair!!"

"Weird naman ng title ng bago mong composition. =_=

"..." (>.<) -- mukha niya.

"Oy joke lang. Oh." Sabay bigay sa kanya nung binili kong chocolates. Favorite niya, Meiji Almonds. "Alam ko namang yan lang habol mo sa'kin eh."

"Thank you kuyaaa!! Mwah!"

"Yuck! Don't kiss me! Tss."

"Ikaw naman, nilalambing ka lang ng kapatid mo eh."

"Mommy!! Ayaw magpakiss ni kuya oh." Biglang tumakbo si Alice papunta kay mommy. Tss. Matapos makuha yung gusto niya, iba na kakampihan? Aish.

"How was your day Allen?"

"Okay lang po."

"I talked to your professor over the phone."

"What did he say?"

"Bumababa daw ang performance mo sa school."

"That's just minor, mom. My major subjects are doing fine. Plus medyo naging busy para sa Student Council kaya madalas napupull-out sa klase."

And she didn't respond.

See? That's just the way it goes around here. Lagi akong binabantayan ng nanay kong perfectionist. Ang tatay ko naman? Ayun, madalas - no, let me change that - LAGI nalang nasa business trip. last time I saw him was last Christmas, at kami pa ang dumayo sa Singapore para lang magkasama-sama.

Paalis na si mom nang bigla niyang sinabi:

"I'm warning you, Steve Allen Fernandez. Once I learned that you're not taking your education seriously--"

And cut. Hindi na niya tinapos yung sentence, pero I know what comes after that.

Once she learns that I'm not taking my education seriously...

Mawawalan ako ng mana.

Pero hindi naman ako takot dun eh.

Ang kinakatakot ko ay ang image ko sa kapatid ko. I know she looks up to me.

And I won't fail her.

***

--Saffy Calling--

Gabi na ah, ba't gising pa 'tong babaeng 'to?

"Hello?"

"WAAAAHH!! STEVE!! STEPHEN!! STEVE ALLEN!!"

"Oh baket?"

"Naman to, ang sungit! May ikkwento 'ko sa'yo!!"

"Ginising mo lang naman kasi ako kaya. May pasok pa po tayo bukas, it's 12:45 already."

"Hindi ako makatulog ehhh. Kwentuhan muna tayo!"

"Wala naman akong ikkwento sa'yo eh." [Sure, I want to hear your voice 'til I fall asleep.]

"Ako meron!"

"Ang daldal mo talaga, matulog ka na nga!" [I'd want to stay this way 'til the morning.]

"Naman! Grabe ka, ako na nga 'tong tumawag sa'yo eh."

"So utang na loob ko pa ang pagtawag mo sa'kin?" [<3]

"Sige na, kausapin mo nalang muna 'ko hanggang makatulog ako."

I can feel she's pouting. I can't get it wrong, it's in her voice.

"O sige na, makikinig ako sa kwento mo." [Kung 'di lang kita mahal eh.]

"Talaga?"

"Oo nga. Dali na." [Talk please. I like hearing your voice.]

"Kanina kasi!! Waaahhh!!"

Teka, parang alam ko na 'to ah.

"Tungkol saan ba 'yung kwento mo? Ano meron kanina?" [Not Angelo, please.]

"..."

[You didn't read my mind, did you?]

"..."

"Hey Saffy. You still there?"

"Zzzzzz"

(-__-)++

Tss. Talaga 'to. Tinulugan ako? Siya yung kaninang excited magkwento eh.

"Good night Saffy. Sleep tight."

Clueless [On-hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon