Chapter 7: Eehhhh!

189 5 6
                                    

|Saffy|

Free Period!!

As usual, dito nanaman ako. Mag-isang nakatambay sa library. Ewan ko ba, masaya ang buhay dito kahit tahimik. Walang magulo, walang nangungulit.

Ay shemay, natapos ko na pala 'yung binabasa ko kaninang first period. <//3

Ayoko pa naman ng mga libro dito sa school. Puro textbooks na pang-academics lang. bakit ba kasi walang fiction dito? Kainis naman oh.

Alam ko na! Makapag-soundtrip na nga lang. d(^_^)b

Magbubuklat nalang ako ng textbook ko para hindi ako palayasin ng masungit naming librarian.

If I don't say this now I will surely break 

As I'm leaving the one I want to take 

Forgive the urgency but hurry up and wait 

My heart has started to separate 

Ang lugkot naman, baka antukin ako sa kantang 'to. Pero I love The Fray. \m/

Next!

Ay ito nalang! The Script!! (*o*) Waaaah! Mahal ko sila.

You won't find faith or hope down a telescope 

You won't find heart and soul in the stars 

you can break everything, got the chemicals? 

but you can't explain a love like ours.

Ay yung librarian! Si Ms. Sungit, looking this way!

*basa basa kunyari.*

Safe! (^_^)

Oh, magkasama nanaman yung dalawang geek kong kaklase oh. Ano kaya pinag-uusapan nila 'pag sila lang magkasama? Or nag-uusap kaya sila?

Pero masaya rin siguro may friend na geek noh, hindi ka kukulitin kasi tahimik lang din siya.

Si beshie kasi sobrang daldal 'pag kami ang magkasama eh. 

Speaking of, ano na kaya nangyari dun? Sila lang ni Amber ang magkasama!! Waah! Kawawa naman, baka inaalipin na nun 'yung bestfrend ko!!

Kailangan ko makauwi agad!! (>_<)

Grabe naman 'tong librarian na 'to, wagas makatingin! Talas eh, parang may kutsilyo. Anung ginawa ko sa'yo?? (TT-TT)

Makalipat na nga ng table. Psh.

Dito nalang ako sa likod ng shelf. Malamang ay pag-asa pa 'kong makatulog dito. Wahehe.

Kaninang first period nagbasa lang din ako kasi naman si Stephen hindi na 'ko kinausap ulit.

Problema kaya nun?

Simula kaninang magstart yung first subject kaninang umaga hindi na nya 'ko pinansin. Kahit nung naghiwalay kami after nun, hindi man lang ako kinausap! Sinasamahan ako hanggang library nun dati eh. (TT_TT)

Bigla bigla nalang nagmomood swings yung mokong na 'yun! Kung di yung lalaki, malamang araw-araw siyang may period.

Okay Saffy, moving on. Malamang busy nga naman yung tao at maraming iniisip. Hayy. Kawawa naman si Stephen. hindi na siya nagkaroon ng time para lumablayp.

Gwapo naman yung kaibigan kong yun. Dami nga nagkakagusto dun kahit pa nung highschool kami eh. Kaya lang sa ilang taon namin magkasama, wala siyang nakukwento na nagka-crush siya sa isang babae. (-___-)

Clueless [On-hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon