Chapter 10: Ang Alamat ni Babe

198 7 2
                                    

|Saffy|

"Stephen. Nice meeting you." Narinig kong sabi ni Stephen dun sa babaeng makire na katabi niya sa pila ng cashier.

At nakikipagkamayan pa ang walanghiya.

"So stephen, wala kang kasama?" Sabi nung babae sa kanya. Maganda si ate infairness sa kanya ah. Pero kitang kita mo talaga na nagpapacute siya kay Stephen. Halata ka na 'teh!

The disadvantage of having a cute alalay. (-__-)++ Ikaw na pogi Stephen!

"Ah, me--"

"Ehrrm." Nagpapansin nalang ako sa kanilang dalawa sabay bato nung chocolates na kinuha ko para ihabol. Nagbilin pa naman si Alice, baka magtampo eh.

Parang ang sama na ng tingin sa'kin ni ate makire. Nakaganito siya oh. ---> (~_^)

Abaaa, masarap asarin to! (^_^) Mehee.

Lumapit pa ako sa kanilang dalawa at pumagitna sa kanila.

"Hi. Ako nga pala 'yung kasama ni Stephen. Babe, eto na 'yung pinapabili ng kapatid mo oh."

Anubayan, sa lahat ba naman ng terms of endearment na pwedeng itawag 'babe' pa? Ang korni! (-__-) Bayaan na nga.

(o_o)? --> Mukha ni Stephen

(~_^) --> Mukha ni ate makire

Natawa naman daw ako sa itsura nilang dalawa. :D Lalo kay ate. Kasi naman, baka mamaya mabingwit niya talaga si Stephen tapos iwan ako nun dito, ayoko nga. :p

"Ay, ganun ba? Hi. Ako nga pala si Shane." Tapos niabot rin saking ni ate 'yung kamay niya. Mukha naman mabait si ate, pero masarap talaga siyang asarin kasi halatang-halata 'yung pagpapacute niya eh. Mwahahaha.

"Ako si Saffy, girlfriend niya." I took her hand for a brief shake tapos kinuha ko 'yung kamay ni Stephen para iakbay sa balikat ko.

Mukang hindi parin nakakarecover si Stephen nung ginawa ko 'yun, so nagsalita nalang ulit ako.

"Shane, wala kang kasama?"

"Ah, meron. Medyo nagmamadali nga ako kasi naghihintay na ata siya sa labas eh."

Mukang natauhan naman ata si Stephen kaya nagsalita na rin siya:

"Nagmamadali ka pala Shane eh, gusto mo mauna ka nang magbayad sa'min. Kaunti lang din naman 'yang pinamili mo compared sa kinuha nitong BABE ko. Diba babe?" Tapos pinisil pa 'yung pisngi ko at nilapit 'yung mukha niya sa may buhok ko habang ine-emphasize 'yung salitang 'babe'. HOY STEVE ALLEN CHANSING KA HUH!

"Ah, o-oo nga naman. Pwede ka nang mauna Shane." (^_^)

Tapos tinaasan ko ng kilay si Stephen ng ganito -->(~_^)

At ang loko! Nginitian lang ako ng walangya! Tch.

"Talaga? Thanks ah! Ang bait niyo naman. Bagay kayo!"

Sige na 'te mauna ka na. Dalian mo, baka magbago pa isip ko.

After she paid for her groceries, nagpaalam na siya kasi daw baka hinihintay na siya ng kasama niya. Nung makaalis na siya ng tuluyan:

"Para saan naman 'yung may papisil-pisil ka pa at amuy-amoy ng buhok jan?" (-_-)++

"Ayos lang 'yan, babe naman kita diba?"

"Tch."

Wala po akong masabi eh. (_._") Sabagay, ako naman naunang tumawag sa kanya ng 'babe' para maasar si ateng makire.

"Eh bakit mo nga 'ba ko tinawag na 'babe'?" (~.~) Tanong ni Stephen sa'kin.

"Kasi naman noh! Nakikipagkamayan ka pa sa stranger na 'yun! Tsaka it's so evident, nagpapacute siya sa'yo! Ikaw naman nagpapauto!" (>_<)

Clueless [On-hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon