7:Mission

2.4K 64 1
                                    

Ice's

As we go through Hack's aunt, Ms. Azura's office, we are already thinking of our instincts.

"Baka may kasalanan nanaman kayong ginawa." Fix said, referring to Wind, Rock, Raven, and Iron. Sila kasi ung mga kalog sa grupo namin. Well, minsan si Sab, but madalas talaga ung apat na yan.

"Anong kami? Wala kaming ginagawa ni bestfriend Iron dyan!" Sabi ni Wind at inakbayan si Iron.

"Hindi din naman kami dahil gwapo kami." Sabi ni Rock sabay akbay naman kay Raven.

"Anong connect? Wireless yata." Sabi ni Sab at tumawa.

Okay, alam kong hindi nyo pa alam ung mga ugali namin.

Ako, cold as my power. Ako yata ung pinakatahimik.

Nion have this strict-parent attitude. Para syang nanay namin.

Wind, mahangin, mayabang, erm--Cute, mapangasar, madaldal.

Burn short-tempered, pinakamabilis mainis.

Drake, good boy, Mama's boy,

Rock, friendly, mapangasar din.

Hack, mapanglait, at matalino. Tahimik rin.

Iron, medyo tahimik naman sya. Pero nagiging maingay sya pag kasama si Wind.

Grave, tahimik din yan tulad ko, pero nagiging maalalahanin minsan.

Fix, Medyo katulad nya si Nion. He easily notices things around here. Tahimik.

Cloud, or  Thunder, medyo tahimik na mapangasar.

Raven, parang baklitang hindi maintindihan.

Sab, bipolar. Minsan cold, minsan kalog.

Nandito na kami sa harapan ng office ni Ms. Azura.

Sinipa ko nalang ung pintuan at pagkabukas, nakaupo si Ms. Azura sa upuan nya. Hindi na sya nagbabow because we told her not to. Kapatid naman sya ng Technovia Queen.

"I expect you will not knock." Nakangising sabi nya sa amin. Sanay na yan sa mga ugali namin, even with Sab.

"So what now?" Sabi ni Hack.

"You have a mission." Nagsitalunan naman sila at humiyaw. Syempre sumali rin ako. Hindi naman ako killjoy. Minsan lang.

"Mission to Earth?" Nanlalaki ang matang tanong ni Drake.

"Yeah. May tatlong portal-maker na pumunta doon, kailangan natin silang mahanap kasi once na naunahan tayo ng mga Trivalian, kukunan sila ng dugo. So ang mangyayari, pag ininom ng isang Trivalian ang dugo ng isang normal Fantasian, magiging normal Fantasian rin sya at pwedeng makapasok sa Lux. Kasi dugo ang batayan sa pagpasok dito." Naalala ko tuloy dati, bago kami pumasok ng mga magulang ko, may kinuha munang dugo ung mga Lux Soldiers na nagbabantay.

"So, who are they?" I asked. Wait-- ME? AKO UNG NAGSALITA?

Napatingin naman sila sa akin ng sabay-sabay. Nanlalaki pa ang mga mata.

"Magpaparty ako bukas" sabi ni Nion -__-.

"Look to my screen." Naghanap naman kami sa paligid ng office nya, wala namang screen na tinutukoy nya. Yun pala, gagawin nya palang ung screen na sinasabi niya.

Lumabas sa screen ung isang babaeng green ang buhok. Payat sya at matangkad. 'Trisha from Terresthia' ang nakalagay na pangalan nya sa baba.

May pinakita ulit. This time, orange ang buhok with strokes of orange. Normal lang ang pangangatawan. Medyo maliit. 'Aliyah from Animalia' ang nakalagay.

Another image showed again. A blue-haired fat girl. Mas maliit sya kaysa kay Aliyah. 'Aqualyne from Aquario'.

Tapos nagdisappear na ung screen.

"Pwede pa bang makahingi ng extra informations?" Tanong ni Thunder. Binigyan naman kami ng tig-iisang folder.

"Aalis tayo mamayang 2:00 pm. You will act as my adopted child there. No using magics. Wala na kayong klase. Hanggang March 25 yang mission nyo. Kung hindi nyo ito nagawa, wala kayong dorm for one month. Sabreena will lead." Napaangal naman sila sa kapalit pag hindi namin nagawa. Kahit ako. Mahirap kaya yun! No dorm? Iniisip ko palang, hindi ko na kaya!

Umalis na kami at nag ayos. Natapos kaming magayos ng 11:45 am, exactly for lunch.

"Sigurado akong mga magulang natin ung nagbigay ng mission -____-" sabi ni Thunder.

Pagkatapos naming kumain, tumambay muna kami sa garden na ginawa namin.

"Ano kaya itsura ng Earth?" Sabay-sabay na tanong nila Sab, Wind, Iron, Rock, at Raven. Nagkatinginan naman sila sa isa't isa at tumawa.

Bakit ba ako binigyan ng mga kaibigang baliw?

Syempre nang malapit nang mag-2, naligo kami ulit at nagbihis ng civilian clothes. Iisa lang ang kwarto naming lahat. Pero tig-iisa kami ng walk-in-closet at CR.

Matagal nang bakante ung isang higaan, closet, at CR dati. Not until Sab came.

Okay okay! I admit, I really love Sab---SHIT! NEVER MIND WHAT YOU'VE JUST READ!

Natawa naman sila nang makita ung mga suot namin. Pati ako, napatawa.

Paano ba naman? Lahat kami naka pants at black na jacket na may hood? Tapos black na tshirt. Pare-parehas kami ng suot eh! Pati sa sapatos. Iba-iba lang ung design ng sapatos pero black parin.

"Pinag-usapan ba natin to ngayon?" Sabi nilang lahat maliban sa akin. Tapos tumawa nanaman kami.

Habang naglalakad kami sa hallway, nagkakatinginan ung mga tao.

'Grabe, pare-parehas sila ng suot!'

'Pinagusapan ba nila ung mga suot nila?'

'Oo nga! Pati si Princess Sabreena, ganun din suot!'

'Ay! Hindi ko sya napansin kanina! Kasi pare-parehas sila ng suot!"

Tapos ung iba, panay puri.

Nandito na kami sa office ni Ms. Azura.

Gumawa na si Ms. Azura ng ritwal tapos lumiwanag ng malakas. Nakakasilaw ung liwanag kaya napapikit kami.

And pagmulat namin...

Nasa gubat kaming lahat.

[==========]

Question:Ano pong kulay ng mata ni Grave?

Answer:Red. Pero pwede nyang palitan ng black.


The Legendary Lux Princess [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon