22:Training Again

1.3K 36 0
                                    

Third Person's

Pauwi na ngayon sina Nion, Grave, Bree, at Ice mula sa Animalia. Tahimik silang apat sa loob ng karwahe na pinapagalaw naman ng mga Cornelius.

Hindi nagtagal at nandoon na ulit sila sa Winder Mountain. Kailangan pa kasi nila magtraining ng apat na araw pa, dahil isang linggo ang training nila.

Umakyat na sila sa bagong gawang no-magic-stairs patungo sa ituktok ng bundok—sa bahay ni Luxiana.

"Namiss ko kayo!" Sigaw ni Wind at niyakap ang apat. Sumunod narin ang iba sa mga prinsipe na yakapin sina Bree.

"Bitaw na, hahaha." Tawa ni Bree. Bumitaw naman ung mga prinsipe sa pagyakap. Inilabas naman ni Bree ang isang bagay mula sa bag nya.

"Wow! Nakuha niyo ung basbas ng Animalia?! Congrats!" bulalas ni Rock nang makitang may kulay Orange na kulay sa Emphanyte Gem.

"Thanks." Pagpapasalamt ni Bree.

"Kumain muna tayo. Sakto, kakaluto ko lang." Singit ni Luxiana sa usapan nila.

Dumiretso naman sila sa dining table at kumain. Nagkwentuhan din sila sa mga naranasan ng apat sa Animalia.

Pagkatapos nilang kumain, nagteleport ulit sila sa training field ni Luxiana.

Pinaupo niya ito sa labing-tatlong upuan sa gitna.

"Temporary blindness." Banggit ni Luxiana at in just a snap, wala nang makita ang mga prinsipe at si Bree.

"Feel my presence and attack me. Stand up." Utos ni Luxiana at tumayo naman ng dahan-dahan ang mga Royalties.

Luxiana's

Pina-disappear ko na ung mga upuan at dahan-dahang naglakad sa direksyon ni Lena. Mukhang hindi nya yon naramdaman dahil hindi parin siya gumagalaw.

Naglabas ako ng Light Beam at siguradong nararamdaman nya ung presensya ng beam dahil sa kingdom of Light sya naggaling at bihasa sya sa gantong elemento.

"Dark Shield!" Sabi niya at may lumabas na itim na shield sa paligid niya. Pina-disappear ko na ung beam ko, dahil sasabog ung field kapag nagcollide ung dalawang magkasalungat na elemento.

"Great." Tinanggal ko na ung blindness nya at nakakita na sya ulit. Sinenyasan ko sya na magteleport na sa library at mag-basa-basa ng mga libro doon. Sumunod naman sya.

Lumayo ako sa mga prinsipe. Nagpalabas ako ng mga light thorns.

Ung mga light thorns ay dumiretso kay Raven. Mukhang naramdaman nya iyon dahil bumwelo sya ng pwesto.

"By the command of this spell, disappear!" At nagdisappear ung mga thorns na papunta dapat sa kanya. Tulad ni Lena, tinanggal ko na ung blindness nya and  I command him to read some books at the library. Sinunod nya naman ito at nagbanggit ng teleporting spell. Nagpalabas naman ako ng mas maraming batch of light thorns.

Pinagsabay-sabay ko nang itama sa kanilang 11 ung mga thorns.

"Distinguish!" And the thorns easily disappeared.

"Fire shield!" Syempre si Burn ung nag-chant nyan. Natunaw ung mga thorns ko sa apoy nya. Low class thorns kasi, kaya madaling pawalain. Kung high-class ung mga light thorns na ginawa ko, makakapasok kang yan ng madali sa shield na ginawa ni Burn.

"Dark shield!" pinadisappear ko ung mga thorns, kasi nga diba, once they collided, sasabog ung field.

"Rock wall defense!" May mga batong nagsiliparan at bumuo at pader, as Rock's defense.

"Water wall defense!" May nabuong mataas na pader na gawa sa tubig sa harapan ni Drake. Of course, the beam disappeared.

"Wind Direction Alternation!" Iniba ni Wind ung direction ng mga thorns at ipinabaon ito sa ilalim ng lupa. Kahit wala syang makita, alam nya naman ung tinatapakan nyang lupa noh!

"Shield." Fix defended.

"Ouch!" Daing ni Iron. Natamaan kasi sya.

"Lion Fur!" Nion said. May tumakip sa kanyang mga balat ng isang leon and that served as his shield.

"Ice shield." Syempre, si Ice may gawa nyan.

"Wire enclosed wall!" Hack chanted.

"Iron, you lose. 5000 push-ups." Sabi ko bilang parusa kay Iron. Sya lang naman ung na-caught-off-guard eh kaya natamaan sya ng ilan sa mga thorns. Or, wala syang pang-defense?

Nagsimula nang mga-push up si Iron at pinapunta ko na ung sampu sa library para magbasa. Pinanood ko na si Iron magpush-up. Kawawang metal.

"42... 43... 44... 45... 46... 47..." pagbibilang nya.

"FASTER!" Bulyaw ko.

"Yes ma'am! 48! 49! 50! 51! 52! 53! 54! 55!" Bumilis ung pagbibilang nya. Syempre pati ung push-ups nya. Gumawa ako ng upuan na gawa sa kahoy at nag-dekwatrong umupo sa upuan.

Ang sarap nya talagang pagtripan.

[==========]

Question:Princess Xia, sino ung natitipuhan mo sa mga princes?

Luxiana's Answer:Ano ba yan, pangbata. Pero kung ako ang tatanungin, trip ko si Iron. Haha! Gusto ko sana si Ice or Grave, pero kay Lena na yun eh. Ahehehe.

Author: Pasensya na, sadyang malandi lang talaga sya kapag off-scene na. [/facepalm; pokerface;

The Legendary Lux Princess [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon