Third Person's
Bukod sa mga hayop na kakaiba, may mga residente rin—na tinatawag na Tamers—na nag-aalaga ng mga hayop. May mga Animal Fairies din na nagliliwaliw. Isang desyerto ang Animalia—na nauulanan araw-araw, kaya pwedeng tumira dito. Red sand ang meron dito imbes na white sand.
May mga bandera na orange with black stripes sa paligid ng lugar. Ngayon na kasi magsisimula ang taunan nilang Lion Week Festival.
Sa isang gilid ay may mga nagkakarerang mga leon at nagchecheer doon ang mga Tamers nila.
"Makikisabay tayo sa party?" Tanong ni Bree sa kanyang katabi, si Ice.
"Yes. Siguradong nandito din si Nion kasi Lion Festival ito." Napatango nalang ang dalaga sa binata.
Dumating na sila sa harap ng palasyo. A palace na may dalawang lion statue sa entrance.
"Στοπ!" Pagpipigil ng dalawang estatwa. Tumigil ang mga Cornelius. Tinignan nila ang nasa loob ng karwahe—ang dalawang Legendary.
"Εντερ." Pagpapapasok nito at tumuloy na ang mga Cornelius. Tumigil sila sa isang malaking pinto. Bumaba na sila at tumingin sa mga kakaibang unicorn.
"Come back tomorrow." Sabi ni Bree at tumango nalang ang mga Cornelius. In just an snap, nawala na ang mga Cornelius pati ang karwahe. Kumatok sila ng tatlong beses sa pintuan at kusa nalang itong nagbukas.
Tumuloy sila sa pintuan. Nakalinya ang mga katulong at isa-isang nagbow sa gilid. May tumakbong katulong sa kanila at nag-bow.
"Come with me, the Queen is calling you." Sabi ng katulong. Naniniwala si Bree na ito ay isa sa mga Dama ng Animalia Royalties. Kaya Queen, King, and Royalty have their own Damas. Parang sariling tagapaglingkod. Naalala tuloy ni Bree si Yrina, ang kanyang Dama.
Dumating sila sa isang malawak na kwarto—at may apat na trono doon. Nakaupo si Animalia Queen Nia sa gitna, nasa kaliwa nya ang isang babaeng medyo matanda kay Bree ng kaunti, at ang nasa kanan naman ng Reyna ay si King Xanthous. Blangko ang upuang nasa kanan ng Hari.
Yumukod naman sina Bree bilang paggalang.
"Magandang araw sa inyong dalawa. Maupo kayo." Sabi ng Reyna at nakahaya ang kamay sa isang orange na sofa.
Umupo naman sila doon.
"Nandito kayo para ipahayag ang kasal nyo diba? Lubos na binibigay ng Animalia ang basbas." Sabi ng Hari at nagsummon ng lion spirit at kampanteng nilagay sa Emphanyte Gem nina Bree.
Ang Emphanyte Gem ang tanda para lamang sa mga ikakasal na Hari at Reyna, o Prinsesa at Prinsipe.
Dito nilalagay ang mga basbas ng kada kaharian, syempre maliban sa Trivalia. Pag nakumpleto ito, magkakaroon ng isang magic marriage circle.
Madali lamang gawin ang Emphanyte Gem pero mahirap kumuha ng basbas.
"Hanggang kailan kami dito?" Sabi ni Ice.
"Tomorrow, you'll go." Sabi ng isang boses ng lalaki. Napalingon sila sa pintuan kasi doon nanggagaling ang boses. It was Nion.
"Nion?" Bree asked. She's not shocked. 'Parang ang aga naman nito nakaalis!' Sabi nito sa isip nya.
"Hi Bree. Nandito kami ni Grave para icelebrate ang Lion Week Festival." Sabay turo ni Nion sa katabi niya—si Grave.
Nanigas si Bree at tumingin kay Grave. Ang sama na ng tingin ni Grave kay Ice.
"Nandito ka na pala Ashna?" Tanong ni Nion sa babaeng medyo matanda kay Bree—ung nakaupo sa kaliwa ng reyna. Ashna means nakakatandang babaeng kapatid in Fantasia.
"Wahh! Nion! Namish kita!" Cute na sabi ng babae at dumamba kay Nion.
"Namiss din kita." Nakangiting sabi ni Nion.
"Shut it you two. Nixie, bihisan mo si Bree at ayusan ng pang-Festival. Nixon, samahan mo ako. And you, Ice Icendelle, I will fix you. Come with us." Sabi ng Hari. Tumayo naman si Ice at sumunod sa Hari. Sinabayan naman ni Nion si Ice. Tumayo na din si Bree at pumunta sa babaeng Ashna ni Nion.
"Hi there! Legendary Princess ka pala. I'm Nixie Claire, Nion's Ashna!" Masiglang bati nito at nilahad ang kamay. Tinanggap naman nito ni Bree.
"Sabreena Yelena." Sabi nito at naglakad na sila patungong kwarto ni Nixie.
[==========]
Question:To Celine, sino pinakagwapo sa mga princes? Bukod kay Wind?
Celine's Answer:Hindi naman gwapo si Cyclone eh! Pero ang pinakagwapo? Si Drake? At si Fix? Ah basta! Maglaban sila! [/mala-demonyong tawa;
Author:Nababaliw na talaga sya. -____-
BINABASA MO ANG
The Legendary Lux Princess [EDITING]
FantasiAll hail, The princess in vain, The future ruler of Fantasia, The Legendary Lux Princess. As she wave her magical hand, The door of her story opened. Come in, my dear reader. Let the twist, begin! The Legendary Lux Princess™ of Iramaxxx All Rights R...