19:Lion Week Festival

1.3K 42 0
                                    

Sabreena's

Tumigil kami sa isang pintuan na red. Binuksan nya ito at tumambad sa akin ang mala-gubat nyang kwarto.

May mga sanga, dahon, at mga bulaklak sa paligid. Medyo magulo pero malinis naman.

Pagkapasok namin, may tinawag sya. Hindi ko alam kung anong klaseng nilalang, basta ang sinasabi nya lang ay "Mia! Mia nasaan ka na ba?!".

Hindi naman nagtagal ay nagpakita ang sinasabi niya Mia—isang Mozelle. Mozelles are fairies that make something better. Theyr'e good in prettifying things. Wala silang pakpak. They just can float and fly by themselves. Pero kabilang parin sila sa Fairies.

Pink ang color ng balat nila. Isang dangkal ko lang ang tangkad nila. Maganda sila.

Si Mia ang nag-ayos sa akin. Hinipan nya lang ang mukha ko then gumanda na ako. Paunti-unti na kasing nawawalang bisa ung Beauty Potion Spell ni Aunt Xia. Tatlong oras lang ang bisa nun. Kaya kailangan ko ulit ayusan.

Simple parin pero maganda.

May hinalungkat si Nixie sa damitan nya. Isang damit na orange at may black stripes. Para akong nasa tribo, tapos nakatsinelas ako na kulay brown.

May guhit na dalawang linya sa magkabilaang pisngi ko. Tinirintas nila ang buhok ko. Pinalabas ko ung cat ears kong black. Lumabas din ang whiskers sa ilong ko—kasali parin sa mga biniyaya ng Animalia sa body parts ko. Tapos may white na paru-paro ung human ears ko. Kahit anong gawin ko, naalis yun, pero hindi lumalayo. Babalik lang ulit sa tenga ko.

"Pwede kang sumali sa mga aktibidad dito dahil meron ka namang Lion power."

Tumango ako sa sinabi ni Nixie. Isang taon lang ang tanda nya sa akin. Pero mas maliit sya. Hanggang balikat ko lang nga sya eh. Red eyes. Light red ung buhok nya na hanggang balikat nya.

"Tara na?" Tanong niya at lumabas. Ipapakilala daw kami sa buong Animalia bago mag simula ung mga aktibidad.

Tumango naman ako at lumabas na kami.

"All hail, Legendary Prince Ice Ashton Icendelle and Legendary Princess Sabreena Yelena Lux!" Nagpalakpakan naman ung mga tao. Naghawak kami ni Ice ng kamay at lumakad sa red carpet.

May microphone doon na halatang gawa ng Technovia. Kinuha ko ung isa at nagsimulang magsalita.

"Each year, we celebrate this Lion Week Festival. Let's honor the lions that are mighty and strong. May Animalia have the peace!" Pagsasalita ko.

"May Animalia have the peace!" Pag uulit naman ng mga hayop at Tamers sa paligid ko. At umupo na kami sa isang mahabang red couch. Tabi kami.

"Let us welcome the Royalties. King Xanthous! Queen Nia! Princess Nixie! And lastly, Prince Nion!" Pagpapakilala ulit ng emcee at umarangkada na ung mga Royalties.

Katulad lang ni Queen Nia at Nixie ung suot ko. Mas maganda lang ung sa akin. Kahit si Ice, nakapang-tribong suot. Nakakatuwa nga sya eh, nakasimangot at kanina pa nagrereklamo. Umupo sila sa isa pang red couch na mahaba.

"And last but not the least, our Vamwolftha Prince, Grave Psycho Vamwolftha!" Naglakad si Grave sa red carpet at umupo sa isang upuan na gawa sa kahoy.

"MAY THE FEST, BEGIN!" Hudyat ito na nagsimula na ang festival. Nagpalakpakan ang mga tao at tumakbo na sa mga aktibidad na sasalihan nila.

Inaya ko si Ice na maglibot. Sumakay pa kami sa likod ng mga leon at nagkarera. Nang mapagod kami ay umupo kami sa isang bench sa gilid.

"Tara, takas tayo." Takas? Nasa bokabularyo pala yun ni Ice?

Dahan-dahan kaming umalis. Madali lang iyon dahil dalawang estatwang leon lang ang dadaanan namin.

Nagulat naman ako nang umupo si Ice sa harap ko.

"Anong ginagawa mo?" Tanong ko.

"Ride on my back. Wer'e going in a bouncy way." Sabay turo nya ng mga bulaklak na mas malaki pa sa akin ang bawat petal.

Sumakay na ako sa likod nya at ipinalibot ko ung mga hita ko sa tiyan nya. I put my hands around his neck. Ung ganung posisyon? Ah basta!

"Ηιγη ξθμπ." Pagchachant nya ng 'High Jump Spell'. Tumalon sya ng sobrang taas at umapak kami sa isang bulaklak. Ibinaba nya ako.

"These are Jelly Flowers." Sabi niya. Ang lambot ng petal na tinatapakan ko—feeling ko, mabubutas ito, anytime!

"Ice, wag na tayo dito!" Reklamo ko sa kanya at mas lalong kumapit. Napatawa naman siya ng mahina.

"Matibay yan, Bree."

"Eh basta! Ayoko na dito! Sa sobrang lambot baka mabutas!" Sabi ko at nagdadabog na.

"Bree! Calm down, nauuga mo na ung flower!" Napalunok ako at nanigas. Medyo mataas kasi tong tinatayuan namin.

"Eh Ice! Ayoko na dito! Balik na tayo doon!" Singhal ko pa. At sa pagpupumiglas ko, lalong nauga ung halaman at muntik na akong mahulog, but Ice wrap his arms around me.

"Pag naglikot ka, mahuhulog tayo. Steady ka lang." Nakita ko sa malapitan ung mukha niya. Idagdag mo pa ung moonlight. Gwapo.

"Hindi ba 'to mabubutas?" Tanong ko. Syempre! Para sigurado!

"Huwag ka mag-alala. Matibay ito." Tapos umupo na sya at binitawan ako. Syempre umupo na din ako sa tabi niya.

"Ice." Tawag ko.

"Hmm?"

"Hindi ba talaga ito mabubutas?" Tapos nag-facepalm sya. Gusto ko lang kasi makasigurado eh!

[==========]

Question:To Bree:Ilan ang gusto mong anak?

Bree's Answer:Huh? Ahmm... Gusto ko, pentaplets! Lima sila! Tatlong lalaki, dalawang babae! Oh diba? [/taas kilay;

The Legendary Lux Princess [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon