Queenie's
Hmm, hmm. Ang sarap talaga ng chocolates...
Gusto nyo?
Bumili kayo!
Ayoko ng sharing, noh. Ang akin ay akin lang. Hmp!
Breaktime na namin ngayon, kaya inaya ko sin Jarvis, Van, Kyle, at Lyle na pumunta kina Mommy. Alam ko ung pasikot-sikot nitong school kasi tinour na ako ni Mommy dito. Alam ko din ung buong schedule nya, ehehe.
"Ang layo naman ng classhroom ng Mommy mo, Queenie!" Angal ni Kyle pero inirapan ko lang sya. Reklamador.
"Malapit na tayo! Shut up ka nalang!" Sabi ko sa kanya at kumagat ng chocolate na hawak ko. Buti pa ung kambal nya eh, tahimik lang.
Tinignan ko ulit ang daan at nakita kong nasa harapan na kami ng isang gold na pintuan. I'm sure na ito na 'yun. May 'Royalties' na word kasi na naka-engrave with black letters at taas ng pintuan. Medyo may naririnig akong ingay sa loob.
Kumatok ako ng tatlong beses at may bumukas ng pintuan.
Pero nakakadismaya dahil sa lahat ng pwedeng magbukas ng gintong pinto na ito, halimaw ang nagbukas.
"Oh, bubwit. May kasama ka palang mga kaibigan, pasok kayo." Sabi ni Monster. Tinulak ko sya ng bahagya at hinila na sina Jarvis papasok.
"Mwommy!" Sigaw ko kay Mommy na nakaupo sa upuan nya at umiinom ng tubig.
"Bree, mana yata sa'yo 'tong si Queenie. One of the boys rin." Sabi ni Tito Rock habang nakatingin sa apat na lalaking nasa likuran ko.
"Introduce yourselves." Mataray na utos ko sa apat na kulugong sumama sa akin.
"Jarvis." Sabi ni Jarvis at bahagyang ngumiti.
"Van." Pagpapakilala ni Van, at ngumiti rin.
"Ako po shi Kyle, sya naman si Lyle." Pagpapakilala naman ni Kyle. Bakit ba sya nalang palagi ang nagpapakilala sa sarili nya at sa kambal nya. Naiinis ako kay Lyle dahil bukod sa matangkad sya at hanggang balikat nya lang ako, napakatahimik nya. Nagtip-toe ako at binatukan si Lyle.
"Aw! What's that for?" Sabi niya habang hinhimas ang ulo nya.
"Palagi nalang ung kambal mo ung nagshashalita! May dila ka naman ah! Introduce yourself!" Bulyaw ko sa kanya with my matching laser beam eyes kaya hindi na sya nakatanggi.
"Lyle." Sabi niya at bagot na tumingin sa akin.
"PROPERLY!" Sigaw ko.
"Fine, fine! Damn, my earsh! I'm Lyle Lux! Done?!" Sabi niya at tumingin sa akin na para bang iritang-irita na sya sa akin.
Ngumiti ako, ung sobrang tamis para ramdam nya na bwisit ako sa kanya. "HINDI! BUMALIK NA NGA TAYO SA ROOM! HUMANDA KAYONG APAT SA AKIN! So Mwommy, pwede bang pahingi ng chocolates pa? Pwease?" Sabi ko kay Mommy at nag-puppy eyes. Binigyan nya naman ako ng sampung pack. Nag thank-you naman ako sa kanya at hinila na palabas ung apat na kumag.
"Hey, Queenie magpahinga muna tayo!"
"Oo nga, kanina pa tayo naglalakad!"
"They're right. Tss."
"Queenie!"
"MANAHIMIK MUNA KAYO PWEDE BA?!" Sigaw ko kaya napalingon sa amin ung ibang mga estudyante. Hinila ko ulit sila papunta sa preparatory building.
Tumigil ako nung may naalala akong teleportation spell na tinuro sa akin ni Mommy.
"Τελεπορτ το Πρεπαρατορυ βθιλδινγ!"
Sabreena's
Napailing nalang ako sa anak ko na hila-hila ung apat nyang kaibigan.
"Geez, para syang si Tanda!" Sabi ni Iron.
"Tanda?" Tanong ko.
"Oo, si Xia! Psh. Makautos eh!" Napatawa ako sa sinabi niya.
"Bagay si Bubwit at yung Lyle." Sabi ni Wind na nagpangiti sa akin.
"Oo nga, Wind! Bagay sila! Naiimagine ko sila!" Segunda pa ni Iron.
"Parang hindi mga 4-year-olds." Umiiling na sabi ni Nion.
"I can't wait to see her dating with that boy." Nakangiting sabi ko habang iniimagine sina Queenie at Lyle na magkasama. They really look good together, gosh!
"Mana sayo, Bree. Ina-under nya rin ung mga kaibigan nya." Sabi ni Rock kaya napalingon ako sa kanya.
"Hoy, anong ina-under?!" Galit na tanong ko sa kanya. Nakita ko pa syang napalunok.
"Wala. Ang sabi ko, ina-under nya ung mga kaibigan nya. Turuan mo nga iyon ng magandang asal! Turuan mo kung paano alagaan ung mga kaibigan nya!" Sabi nya at pinagpapawisan pa.
Napatawa nalang kaming lahat.
"Ehem, ehem... Class?" Napalingon kami sa pinto at nagsitakbuhan sa mga upuan namin nung makita namin ung nagsalita.
Si Mrs. Salem. Ung terror teacher namin.
"Good morning Mrs. Salem!" Masiglang bati namin na tila bang walang nangyari.
Queenie's
"Good morning, class." Sabi ng teacher namin sa physical combat.
"Good morning, and mabuhay, Ms. Minchiiin!" Sabi namin with our sing-like-manner.
"Now, choose your partners." Tumakbo ako agad kay Kyle. Magpartner na kasi sina Van at Jarvis.
"Ikaw partner ko!" Sigaw ko.
"Queenie, lower down your voice!" Mataray na saway sa akin ni Ms. Minchin. Inirapan ko lang sya. Psh.
"Kapartner ko na kashi shi Leisha. Si Lyle nalang." Sabi niya at tinuro pa ung pipi nyang kapatid.
"Shige, shige!" Sabi ko at bumaling kay Lyle.
"Hoy, ikaw partner ko ha!" Sigaw ko.
"MISS LUX! I TOLD YOU TO LOWER DOWN YOUR VOICE!" Saway ulit sa akin ni Ms. Minchin.
"Whatever," sabi ko at umirap. "Ishushumbong kita sa Mwommy Sabweena ko." Sabi ko pa.
Nakita ko naman na natakot sya at nanahimik. Buti nga, bleh!
Lumingion ulit ako kay Lyle.
"Tsk. Fine." Sabi niya at umirap.
"Bakla ka?" Tanong ko.
"No." Sabi niya at umirap ulit. Hindi daw, pero umirap ulit? Eng-eng ba siya?
[==========]
Question:May plano po ba kayong gumawa ng Book 2?
Answer:Yes, kung successful itong Book 1. Ang plano ko sana ay i-center-of-attraction ung lovelife ni Sabreena. Then kapag successful din 'yon, I'll do the Book 3. Mga anak naman nina Bree at [secret].
BINABASA MO ANG
The Legendary Lux Princess [EDITING]
FantasyAll hail, The princess in vain, The future ruler of Fantasia, The Legendary Lux Princess. As she wave her magical hand, The door of her story opened. Come in, my dear reader. Let the twist, begin! The Legendary Lux Princess™ of Iramaxxx All Rights R...