3rd person's POV
Si Shakira Cassidi ay matalino, mabait, maalalahanin, at halos lahat ata ng magandang katangian nasakanya na pero matapos ang nangyari sakaanya nagbago ang lahat. Hindi naman sa naging kasalungat ng ugali nya nangyari. Medyo naging kakaiba lang sya dahil sa noon ay maysado syng friendly pero ngayon? Wala na, kokonti nalang ang binabati nya at lahat ng yon ay yung mga malapit nalang sa kanya.
Matapos ang hiwalayang naganap. Wala na ni isa ang kinibo ni Shakira, lagi nalang syang nakakulong sa kwarto nya, wala na syang ginawa kundi umiyak ng umiyak dahil sa sobrang naapektohan sya sa mga nangyari ang hirap paraa sa kanya ang mga naganap. Mahirap parin na i sink in sa utak nya ang mga nagyayari. Sobrang nakaka awa ang lagay nya nguyon.
Hindi sya kumakain. Ayaw nyang tumanggap ng bisita o kung sino man. Miski ang mga magulang nya ay nahihipan na rin sa sitwasyon nya. Nagaalala na ang mga ito dahil baka kung ano na ang gawin nito sa kanyang sarili. Wala syang tigil sa pagiyak lalo na kung gabi. Halos wala nang tulog ang mga magulang nya dahil hindi nila alam kung anong nangyayari sa kanya sa loob ng kwarto.
Hindi lang si Shakira ang naapektohan sa nangyari. Pati narinang mga kaibigan nya na nagmamalasakit sa kanya. Hindi man nila alam ang naging dahilan ng hiwalayan ay apektado pa rin sila.
Imbis na nagtatrabaho ang kanyang mga magulang. Hindi muna tumuloy ang mga ito dahil alam nila na maskailangan sila ng anak nila. Isa na ring dahilan ng mga ito ay hindi sila sanay na makita ang anak na wala sa kanyang sarili dahil kilala nila ito bilang isang masiyahing dalaga.
Ilang araw na ang nakalipas pero heto pa rin sya. Hindi manlang sya lumalabas ng kwarto upang kumain. Parang nawawalan na sya ng kumpyansa sa sarili.
Shakira's POV
Ilang araw na ang nakakalipas pero heto pa rin ako.
Ang hirap lang tanggapin na iniwan nya ko.
Masakit!!
Sobrang sakit na hindi ko alam ang dahilan kung bakit nya ako iniwan.
Mahal ko sya e.
Mahal na mahal! Kaya ang hirap tanggapin lahat.
Hindi ko na kaya...
Parang tinanggalan na ako ng rason para mabuhay...
Sya lang kasi e..
Sya ang nagbibigay ng kulay sa mundo ko.
Sya ang bumubuo ng araw ko.
Sya ang nasa tabi ko araw-araw.
Sya ang nagaalaga sa akin sa tuwing may sakit ko.
Sya ang kasama ko sa mga pagkakataong wala ang mga magulang ko.
Sya ang nandyan...
Sya at ang mga kaibigan namin.
Ang hirap na nasanay ka sa prisensya nya.
At kahit saang sulok nitong kwarto ko sya at sya pa rin ang naiisip ko.
"Darling! Tara dito may sasabihin ako" sabi nya sa akin habang nakaupo sa kama ko.
Kapag ganyan yan. Maglalambing na yan.
"Saglit lang po" sagot ko naman sabay punta sa pwesto nya.
Pagkalapit ko sa kanya, niyakap nya ako patalikod. Isang higpit na yakap na puno ng pagmamahal.
Sabay bulong ng "I love you so much" sa may tainga ko.
Humarap ako sa kanya at sinabihan sya ng "I love you din sobra!"
Pagkatapos non ay bibigyan nya ako ng isang halik sa labi.
Ang hirap!
"Darling, iisang tabi mo nalang ang mga problema mo. Ang mahalaga magkasama tayo. Ikaw at ako habang buhay! Kaya wag kanang umiyak ha! Smile ka lang. Sige na. Magpahinga kana, matulog ka muna dito lang ako sa tabi mo. Di kita iiwan" sabi nya at ako naman? Sinunod ko sya kasi alam kong panghahawakan nya ang mga sinabi nya.
At magigising nalang ako na malinis ang kwarto ko at sya naman ay natutulog sa tabi ko.
Inilibot ko ang aking paningin. Malis nga sya. Sobra. Ang sipag nya. Kasi kanina sobrang dumi nito puno ng mga scratch paper. Pero lahat yun nilinis nya.
Ang sakit na maaalala mo yung ganon... Inilibot ko ang mata ko sa kabuuan ng kwarto ko.
Nakikita ko sya...
Nililinis nya ngayon yung kwarto ko... Pero agad din syang nawala... Lahat ng kalat sa kwarto ko nandun pa rin pala.
Akala ko bumalik sya...
Akala ko nandito sya ngayonsa harap ko...
Pero wala pala...
Nasaan na yung sinasabi nyang di nya ko iiwan? Wala diba?! Kasi pinaasa nya lang ako. Pinaniwala sa mga kasinungalingan!
Akala ko mahal nya ko! Pero wala. Wala na...
Ang sakit lang! Di ko na kaya...
Paano pa ako babangon ngayon kung wala na akong rason?
Paano?
Kung sya na na mismo ng nagsabi saking ng mga salitang...
"HINDI na kita mahal"
At nitong mga araw sumagi na sa isip ko ang salitang...
..
.
.
.
.
.
.
.
.
.
MAGPAKAMAY...
___________________________________
- Don't kill yourself just because of a person, oo mahal mo sya pero hindi parin ayon ang rason para gumawa ka ng ikasasama sa sarili mo-
4/5/17
Account:
Fb: Marriane Hernandez
BINABASA MO ANG
HINDI AKO BITTER
Short Story"Sorry pero kailangan ko nang umalis" Sa mga simpleng salitang yan. Magbabago ang lahat. at ang lahat ng kanyang iniwan? MANANATING ALA-ALA NALANG. date started: 4/4/17