Shakira Cassidi's POV
"Sorry pero kailangan ko nang umalis" mahinang sabi nya na halos pabulong na.
"Mahal mo pa ba ako?" tanong ko sa kanya habang nakatingin ng deretso sa kanyang mga mata.
Hindi ko ininda ang nagbabadyang luha sa aking mga mata. Mahal ko sya. Sobrang mahal ko sya. Pero bakit ganito? bakit kailangan nya pa akong iwan? tumagal ang relasyon namin ng halos magtatatlong taon.
Tumagal kami ng ganon at di namin kaya na wala ang prisensya ng isa. Lagi kaming magkasama, at sa mga araw na yun nagiging memorable ang dawat oras at minuto.
Pero anong nangyari ngayon iiwan nya ko? mahal pa ba nya ako? ano bang problema nya? bakit kailangan mangyari ang ganito?
Diba dapat sa isang relasyon nagsasabihan ang magpartner ng mga problema nila? Eh anong nangyari sa amin ngayon?
Di ko na mapigilan ang luhang kanina'y nagbabadya. Unti-unti na itong tumutulo dahil sa sinabi nya at dahil na rin sa mga tanong na nabubuo sa aking isipan.
"Hindi na kita mahal" pabulong na sabi nya at hindi makatingin ng deretso sa aking mga mata.
"Tumingin ka sa mga mata ko" ma otoridad kong sabi dahil alam ko na hindi totoo ang mgasinasabi nya at alam ko din na hindi nya kayang gawin ito.
Ngunit parang nagkamali ata ako...
Dahil unti-unti nyang inangat ang tngin nya.
"HINDI na kita mahal" madiin na sabi nya sa akin at kasabay non ang pagtalikod nya sa akin at umalis,
Umagos na ang mga luhang kanina ko pa pilit na pinipigilan.
Bakit ganito?
Anong bang mali sa akin? Bakit kailangan nyang gawin to? Wala naman akong nagawang ikagagalit nya. At wala rin naman dahilan para umalis sya at lumayo sakin.
ang sakit lang! SOBRANG SAKIT LANG!
Bakit lahat nalang ng tao na minamahal ko umaalis?!
Wala naman akong sakit na nakakahawa para umalis at lumayo sila sa akin.
Bakit?
Bakit...
______________
TIME CHECK: 8:02 DONE!
BINABASA MO ANG
HINDI AKO BITTER
Short Story"Sorry pero kailangan ko nang umalis" Sa mga simpleng salitang yan. Magbabago ang lahat. at ang lahat ng kanyang iniwan? MANANATING ALA-ALA NALANG. date started: 4/4/17