Chapter 4

47 19 0
                                    

Shakira's POV

1 Week na simula nang makauwi ako galing hospital.

Nasa bahay lang ako at lagi naman bumibisita sa akin ang mga kaibigan ko.

Minsan iginagala nila ako sa mall o kung saan man. Minsan naman dito sila sa bahay natutulog para sa makapag- movie marathon daw kami at bonding.

Ayos lang naman sa akin kasi nag eenjoy akong kasama sila. Maayos na din ako. Siguro ginagawa nila yun para maka pag-move on ako. Well effective naman yung ginagawa nila.

(Effective nga ba?)

Oo na sige na aaminin ko hindi parin sapat yung ginagaw nila, kasi nasa puso at isip ko pa rin sya. Okay na author?

(Oo naman yes!)

So ayun na nga. Dahil napa-amin ako ng author nyo! Sasabihin ko na ang totoo!

Wala paring silbi ang ginagawa ng mga kaibigan ko.

Oo masaya ako pagkaharap sila pero sa likod non. Hindi talaga. Kasi nakatatak parin sya sa isip ko at hindi pa rin matatanggal ang pagmamahal ko sa kanya.

Tanga na kung tanga pero mahal ko sya e. Kahit na sinaktaan nya ako ng sobra.

Ngayon... Dapat pupunta ngayon yung mga kaibigan ko kasi ngalang hindi sila makakapunta kasi mag gagawin pa daw sila. Kaya ang kadama ko ngayon ay si Jiro.

"Kira, gala tayo. Nakakainip dito sa bahay e" reklamo nya sa akin.

"Oo na wait lang magbibihis lang ako" sagot ko. Kawawa naman kasi sya pag hindi ako pumayag.

"Osige. Ako rin" sabi nya sabay takbo papunta sa kwarto nya.

Nauuna pa saakin. Hindi naman sya excited sa ganung lagay 'no?

Umakyat na rin ako sa kwarto ko at nagsimula nang magpalit ng damit.

Namiss ko rin ang ganitong mga araw. Yung tipong naggagala kami ng kakambal ko sa kung saan, tapos nagkukulitan. Nakakamiss lang talaga. Ngayon ko lang din realize na nagkukulang na rin ako sa kanya simula nung magkaroon ako ng bf na ngayon ay ex na.

Ngayon mas pagtutuunan ko muna siguro ng pansin ang pamilya ko, para kahit papaano ay makalimutan ko sya pati yung nararamdaman ko sa kanya.

Pagkabihis ko pumunta na agad ako sa first floor baka kasi hinihintay na ako ng aking kakambal.

"Ambagal mo naman kasi Kira" sabi nya sa akin nang makita akong pababa ng hagdaan.

"Aba! Grabe kana sa akin ngayon ha Jiro!" Sigaw ko sa kanya nang makarating ako sa first floor ng bahay.

"Wag mo nga along tawaging 'Jiro' tandaan mo mas matanda ako sayo!" Sigaw nya sa akin.

"Hoy! Minutes lang naman ang una mo sa akin nung pinanganak tayo! Tsaka dapat nga ako ang ate mo e! Kasi nag give way ako para mauna ka!" Sabi ko sa kanya.

"Hahahahaha"

"Sino yung tumawa Jiro?"

"Tumingin ka sa likod mo" sabi nya. Tumingin naman ako at nakita ko si daddy.

"Kayong dalawa talaga" sabi nya sa amin inakbayan kami, "Saan ang lakad nyo?" Tanong nya sa amin.

"Gagala lang po dad" sabi Jiro.

"Daddy, diba nakaalis na kayo ni mommy kanina bat nandito kayo?" Tanong ko sa kanya.

"May naiwan akong papeles sa may library kaya bumalik ako. Ihahatid lo ka kayo sa pupuntahan nyo at pagka naman uuwi na kayo magtext kayo sa akin para masundo namin kayo ng mommy nyo at sa labas na tayo mag di-dinner" sabi nya sa amin.

"Sige po dad" sagot ni Jiro.

Kinuha na ni daddy yung mga papeles nya at iniharis na kami ni daddy sa mall.

"Jiro, department store muna tayo. Bili tayo ng damit gusto ko parehas tayo ha!" Sabi ko sa kanya.

Pagpasok namin ng department store may nakita akong damit na pwedeng pang family. I mean yung damit na pwedeng isuot para pereparehas kayo ng damit yung ganon. Alam nyo yung couple shirt? Ganun sya pero pamfamily naman.

"Ayun Jiro!" Sabi ko sa kanya sabay turo nun.

"Halika tingnan natin" sabi nya.

Yan ang gusto ko sa kanya sinasakyan ang trip ko. Kaya masaya ako pag kasma ko sya.

Tiningnan namin yung damit.

"Jiro? Anong favorite color ni mom?" Tanong ko sa kanya.

"Red ata?"

"Miss meron kayong color red nito?"

"Yes ma'am. Anong size po ang kailangan nila?"

"Yung dalawa small then dalawa din na Medium" sabi ko. Agad naman kumuha yung nag a-assist sa amin.

After ng ilang minutes agad naman bumalik yung babae dala ang damit na hinahanap namin. Pag ka abot nito sa amin ay pumili pa kami ng pwede naming bilhin ni Jiro.

Nakakita ako ng damit na pwedeng parehas kami ni Jiro. Kaya hinigit ko sya doon at pinigay ko yung isa at sa akin naman yung isa.

"Ayan parehas tayo!" Natutuwang sabi ko sa kanya kaya naman ngumiti din sya sa akin.

Jiro's POV

Ngayon ko nalang ulit nakita matuwa si Kira.

Binayaran na namin ang binili namin.

Hinihit nya ako sa tapat ng CR. Inabot nya sa akin yung binayaran namin na damit.

"Suutin mo yan ha! Dapat parehas tayo paglabas mo ng CR!" Sabi nya sa akin.

Yun pala yung huling binili namin.

"Yes ma'am!" Sabi ko kanya. Natatawang binatukan nya ako.

"Aray!" Angal ko kahit hindi naman masakit.

"Masakit ba? Akin ikikiss ko" sabi nya sa akin.

"Iww! Kiss mo muka mo! Magpalit ka nalang din!"

"Hahahahaha. Sige hintayin kita dito!"

Pumasok na sya sa Cr ng girls at Ako naman dun sa cr ng boys.

Pagkatapos kong magbihis nakita ko sya sa labas ng cr hinihintay ako.

Ayis din magkaparehas kami ng damit parang nung mga bata lang kami.

Nung nkita nya ako hinihit nya ako papunta sa may arcade maglaro daw kami.

Bumili sya ng mga token at kung nasaan sya nandun din ako.

Makatuwa lang na naging madaya sya kasama ako ngayon.

Inabot kami ng halos 4 na oras sa arcade dahil inubos pa nya kahat ng token nabinili nya. 1000 pesos ba naman kasi ang ipinapalit nya sa token kaya ayun. Hindi nya agad naubos.

Tapos non nag karaoke naman kami. Ayos din ang ganda-ganda pa rin ng boses nya parang dati lang.

Tapos ayun kinulit nya ako ng kinulit na kumanta kaya napilitan na rin ako.

Ano kayang magandang kanta?

----------
So ayan na...
Chapter 4 is already done.
Request kayo ng kanta if you want. Sa next chapter ko na ilalagay yung kanta and idededicate ko na rin sa kung sino ang nagrequest.

So ayan na. Hope you like it.

Vote. Comment.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 05, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HINDI AKO BITTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon