Chapter 18: The Date

0 0 0
                                    

Tok! Tok! Tok!

Narinig kung katok sa labas ng pintoan ng kwarto ko... "Bukas yan! Pasok! " sabi ko ng naka talikod sa pintoon.. Nakaharap kasi ako ngayun sa salamin at nag-aayos...
"Ma'am Andrea nandyan na po si Sir Clark sa baba. " sabi ng katulong namin.

"Sige sabihin mo pababa na ako! "
Niyaya kasi ako ni Clark na mag date! Iwan ko ba sa lalaking yun bigla-biglang nawawala tapos bigla-biglang susulpot..

Nung gabing nag-usap kami ni Aldred ay nag text rin si Clark.. "I'll fetch you tomorrow evening 6pm.. Let's talk! " yun yung eksaktong text niya sa akin.. Kaya laking gulat ko na lang ng pinadalhan niya ako ng dress kinabukasan sa bahay.. Blue dress yun.. Medyo fancy at may laces sa laylayan niya... Mag-uusap lang kami tapos ayun na may padalang dress na agad kinabukasan! Di pa sabihing gusto niyang makipag date saakin.. Tss!

Tumayo na ako at bumaba na baka kasi mainip ang lalaking yun sa akin.

Pagbaba ko nakita ko na agad siya sa sala prenteng nakaupo at nakatuon lang ang mga mata sa cellphone niya..

"May ka text ka! " sita ko sa kanya.

Umangat naman ulo niya.. Nang makita niya ako ay rumihestro naman ang ngiti niya sa mukha niya.. Labas tuloy dimples niya...

"Let's go! " pag-aya niya.

Humawak naman ako sa nakalahad niyang kamay...

Tahimik lang ako habang binabagtas namin ang daan patungo sa lugar na pupuntahan namin.

"Are you ok? " tanong ni Clark.

Tumango lang ako.

Bumontong hininga siya... "Are you angry with me? "
"No. " tipid kung sagot.

"Ok! If you don't want to talk to me... Just don't! " aniya.. Tapos tahimik na ulit ang loob ng kotse.. Tanging tunog lang ng mga sasakyan ang maririnig mo.

Hindi ko ba alam sa sarili ko kung saan ako nagtatampo o kung anu kina-iinisan ko...

"Where here!.. Lets go! " pag-aya niya.

Nauna siyang bumaba at binuksan niya ang pintoon ng passenger seat para sa akin...kahit na nga di ako umiimik sa kanya ang bait niya parin sa akin...
Na guilty tuloy ako sa inasal ko... Haist..

Nag-tungo kami sa entrance ng restaurant agad naman kaming inalalayan ng staff doon patungo sa pwesto namin... Tahimik lang ang restaurant at wala gaanong tao.. Kami lang ni Clark at ang mga staff doon ng restau... Inalalayan niya ako sa pag-upo matapos niyang mahila ang upoan sa harap ko... Napaka romantic naman ng restaurant na ito sa pagpasok pa lang ay mamamangha ka talaga.. Ang sosyal ng itsura ng restaurant para bang pinasadya ang paglalagay ng mga hugis puso sa dingding nito... Maya-maya pa may narinig akong tugtug likha sa instrumento ng violin... Tumayo si Clark at nag tungo sa pwesto ko..

"May i have this dance for the beautiful lady in front of me tonight ?" Tanong niya sa akin.
Tinangap ko naman ang kamay niya.. Mag-papabebe pa ba ako eh sa ganda ng musika ang sarap ngang sumayaw.

Tinugtug nila ang kantang Beautiful in white by westlife damang dama ko ang kantang iyun... Para akong hinihili ng kanta kay sarap pakingan pag tinutugtug ito sa violin.. Narinig ko na ang kantang ito ng maraming beses sa radio nang mga katulong sa bahay namin pati sa stereo ng kwarto ko ay meron din ang kantang ito.. Nabighani kasi ako sa kantang ito ng unang beses ko pa lang itong narinig...

"Andrea..you don't how I really happy right now! " ani Clark.

"Me too.. I am happy too... Thank you for this! "

"You like my surprise? " tanong niya sa sensirong tono.
Tumango ako "subra! Thanks for always making me happy! " saad ko.

"I'm so glad you like it.. You don't need to thank me.. It is my pleasure to do this stuff.. And if it gives me another chance to do this I will do this again and again.." aniya.

"No I have to!.. Since you came in to me.. Since you confess how you really feel for me you never failed to make me happy.. Maybe this time I should be the one to make you happy!" Saad ko na may malapad na ngiti sa kanya.

Nakita ko ang pag lunok niya "what do you mean? " he asked curiously.

"Clark I love You... I am ready to love you and to give my whole heart to you! " sabi ko na nakangiti.

"Is this for real? You love me?.. You mean tayo na? For real?" Di maka paniwalang tanong niya sa akin.

Tumango ako bilang sagot.. "Talaga?.. Yes! Yes!.. Whoooo kami na!... Tapos nag tatalon-talon siya you have no idea how you making me happy! I am the most lucky guy on earth! "

Napangiti na lang ako.. "Me too I am very lucky that you love me! "
Pag-katapos ay hinalikan niya ako sa noo.. Sumunod sa pisngi at hindi niya rin pinalampas ang labi ko sa halik niya.. Namumula ang pisngi kung tumogon sa halik niya... Nararamdaman ko sa mga halik niya ang pag-mamahal kaya gayun din ang ginawa ko... Ilang minuto din kaming naghalikan at hingal kaming pareho ng huminto kami sa halik..itinapat niya sa aking noo ang noo niya sinakop ng kamay niya ang mukha ko.
"Thanks babe! Thank you for giving me a chance to love you... I won't promise not to hurt you but I promise to love you to the fullest!.. I love you! " sensirong sabi ni Clark.

Alam kung di maiiwasan na magka sakitan kami pagdating ng panahon.. Pero ang mahalaga ay ngayun.. Ang mahalaga ay mahal namin ang isa't-isa... Sapat na yun para sa akin..

"I love you too.. " sagot ko.

Pauwi na kami ni Clark ngayun.. Ang saya ng gabing ito.. Ang sweet ni Clark buong mag damag ...officially couple na kami at officially inlove sa isa't-isa.. Di ko makakalimutan ang araw na ito.

Hinatid lang ako ni Clark sa bahay he said his goodbyes at umalis na siya dahil tumawag ang daddy niya may importante sigurong sasabihin.

Makaka tulog ako ng mahimbing ngayun.. Sigurado yan!

-----------
A/N: Hope you like this part....nahirapan talaga ako sa pag-iisip ng scene na ito.. Sana wag niyong husgahan ang gawa ko... Thanks!

The guy who got awayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon