Chapter One

382 35 31
                                    


Have you ever felt being unfamiliar with your own body? The feeling of reborn? As if you're in someone's body.  Being reincarnate into an unknown vessel. You're just.. lost on somewhere... far away..

Napapikit ako sa hanging malamig na dumadampi sa balat. Napayakap ako sa sarili nang makaramdam ng ginaw mula sa simoy ng hangin. Sinundan ko ng tingin ang kulay luntiang dahong inaagos ng tubig. I somewhat felt like I'm just like that leaf, nagpapaanod sa daloy. Hinahayaan ang tubig na dalhin ako kahit saan. Walang pag-alma sa pagkilos. Walang sariling direksyon. Lahat, iniaasa sa daloy ng tubig. Hanggang sa lunurin at matangay sa ibang lugar. Hindi na kailanman babalik.

Parang kahapon lang ang lahat, hanggang ngayon, sariwa pa sa akin ang mga alaala---mga alaalang naging bangungot ko.

Minsan, napapaisip ako, ano bang nagawa ko noon para pahirapan ako nang ganito ngayon? Maraming katanungang nagbubulabog sa isip ko araw araw na hindi ko alam kung masasagot pa ba o ibabaon na lang sa limot, katulad ng aking nakaraan.

I can't see any glimpse of my past, But I guess there is something na hindi nawala hanggang ngayon, at ito ay ang pakiramdam na may kailangan akong hanapin yon, Pero ano nga ba ang hinahanap ko?

I heaved out a sigh, I feel hopeless about myself, where will I begin? napatigil lang ako sa pagmuni muni nang makaramdam ako ng vibration sa bulsa ko. I immediately answered the call when I saw my mother's name on the screen.

"Hello?" bungad ko.

"Yumiko? where are you?! 5:30 na! I'm worried! umuwi ka na!" Mom commanded,

"Don't worry Ma, pauwi na po ako, okay?" tugon ko at um-okay naman siya sa kabilang linya. We bid our goodbyes.  "Take care." ang huling habilin niya bago ko pinatay ang tawag.

Huminga muna ako ng malalim bago ako tumayo sa gutter ng tulay-ang lugar kung saan nangyari ang lahat, ang lugar kung saan nawalan ako ng memorya. Dito ako madalas tumambay dahil sa nakaka-relax tingnan ang pag-agos ng tubig at sa sariwang hangin. Madalas, nagbabakasakaling may maalala sa nakaraan ko.

Sinuot ko ang helmet ko at sumakay sa motor at sinimulang paandarin ito. Naging ilag na akong sumakay sa mga kotse dahil nakakaramdam ako ng trauma, dala ng aksidente kaya pinakiusapan ko kay mama na motor na lang dahil sa mas komportable ako at para maiwasan ang trapik sa kalsada. Noong una ay hindi pa sang-ayon si Mama ngunit napa-oo na lang din sa pangungulit ko.

Nang makarating ako sa bahay ay agad akong madramang sinalubong ni Mama sa sala, sumunod naman si Manang."Yumiko? Where have you been? alam mo namang delikadong umuwi nang dis-oras ng gabi ah?!" Kaming tatlo lang ni mama at manang Fe ang tao sa bahay. Si Dad, somewhere in Japan for business purposes. Pero hindi ako nakakaramdam ng pangungulila, dahil wala naman akong maalalang nararamdaman.

I chuckled a bit."Ma, dapit-hapon pa lang po, wag over react okay?" Ang totoo ay alam at naiintindihan ko kung bakit ganyan umasta si Mama, naging paranoid kase siya mula nang maaksidente ako.

"Kahit na, you should take care of yourself more, alam mong ayaw ko nang mangyari ulit iyon." referring sa aksidente ko. Natigilan ako sa biglaan yakap sakin ni Mama pero yumakap na rin ako sa kanya, nang kumalas siya sa yakap ay tiningnan niya ang kabuuan ko.

"Our Unica hija is now a beautiful full grown lady." nakangiti niyang puri sa akin, ngumiti ako pabalik sa kanya.

"Syempre, mana sayo eh." biro ko at tumawa naman siya.

"Of course! I know right?!" natawa ako sa sinabi niya. Mom was the first person I saw the moment my consciousness came back. Kung hindi siya nagpakilalang nanay ko, I would not know. I don't remember anything, not a single thing from my past. My father, who is a businessman, as what Mama said, went to Japan for a project, He only called thrice every month, I saw his face on pictures. I only heard his voice yet he doesn't show his face whenever we call. I don't have any idea when will he come back home.

NostalgiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon