Chapter Two

177 29 8
                                    

Nakarating ako sa destinasyon ko sa loob ng tatlumpong minuto. Humanap muna ako ng maganda lugar para mai-park ko ang motor. Hinubad ko ang helmet na suot at iniayos ang magulo kong buhok at kinuha ang envelope sa loob. Tumingala ako para mabasa ang nakaukit na salita sa malaking pader sa harapan ko.

I can't believe Mom would let me do this alone. I mean, I want freedom, but not on this! To think she's confident that I can do this all by myself. I roughly brushed my hair out of frustration.

ForbesWood University. Bumuga muna ako ng hangin bago ko tuluyang pumasok sa unibersidad.

"Good morning!" Masiglang bati sa akin ng gwardiya. Sa sobrang hiya at gulat ko, tango lang at pilit na ngiti ang naitugon ko sa kanya. Nasa gate pa lang ako pero halos mawalan na ako ng malay dahil sa panggugulat ng sekyu. Kahit hindi ako nagkape pakiramdam ko inaatake ako ng nerbyos.

Nagsimula akong hanapin ang Registrar office, nakakailang minuto pa lang ako palakad-lakad ay pakiramdam ko madediliryo na ako na wala sa oras. Nakatungo ako parati kapag may nakakasalubong akong tao. Nakakailang ikot at pabalik-balik na ginawa ko pero hindi ko mahanap ang registrar office! Natutuliro pa ako dahil sa padami nang padami ang dumadating na estudyante.

Gusto ko nang umuwi. I almost mumbled those words. The air of this environment gives me too much anxiety. Pakiramdam ko anumang oras ay mahihimatay ako sa takot.

Nang nakaramdam ako ng pagod ay umupo ako sa bench na malapit sa canteen, tiningnan ko ang envelope na hawak ko. Doon ko lang napansin ang panginginig ng mga kamay ko. I clenched my fists and shook it afterwards.

I have to ask people. I froze the moment the idea popped up in my mind, then I laughed.

"No. That's a ridiculous idea Yums, as if kaya mo." I talked back to myself, letting my self-esteem melt.

But I have to, if I really want to go home soon. I closed my eyes and covered my face. But I can't! asking would also mean losing sanity for me. It would be a shame to get unconscious out of the blue, and especially not on the front of many people! 

After arguing with my other self, (fortunately no one noticed my weird habit), 'di rin nagtagal ay tumayo ako at pinagpatuloy muli ang paghahanap. Halos matapilok ako sa panginginig ng tuhod ko. Panay lingon ko din sa paligid sa pagbabakasakaling makita na ang registrar office.

"Oof." Nilingon ko ang nabangga ko sa daan at  taimtim na nanalangin sa isip na sana kainin na ako ng lupa sa nga oras na iyon.

"S-sorry, di ko s-sinasadya." utal kong paumanhin. Nginitian niya ako sabay sabing "Okay lang." at saka umalis. Napapikit ako nang mariin at napabuntong hininga sa sarili.

"Wag kase ta-tanga-tanga Yumi." I mentally cursed myself.

Tumalikod ako at sa pangalawang pagkakataon ay napadaing na ako sa sakit ng pagkakatama. What a lucky day for me.

"Shit sorry, bigla ka kaseng-" baritonong boses ang narinig ko. Gusto ko sanang tingnan ang mukha niya pero mas inaalala ko ang noo ko.

Sa lahat ba naman ng parteng tatama sa noo ko yung baba pa talaga?

Napatingala ako sa taas ng bumunggo sa akin, he was also looking at me, with a surprised expression plastered on his face. He looked familiar to me, like someone I met before, though I'm not sure when or where. But this isn't the real deal now. And yeah, dahil sa kahihiyan at sobrang kaba ay tuluyan na kong nawalan ng malay.


"Are you scared?"  I saw them hugging each other. I want to go near them yet for some reason, I can't move my feet.

NostalgiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon