"Yumiko!!!! Gising na! Aba't male-late ka na!" napabalikwas ako ng higa sa sigaw ni mama, halos mahulog ako sa kama sa pagpanic ko. Nakaramdam ako ng pagkahilo sa biglaang pagbangon. Tiningnan ko ang digital clock sa tabi ng kama ko.
Parang naghiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko sa panggigising ni mama. Pumunta agad ako sa banyo at naligo.
"Ang lamig!" sigaw ko sabay talon talon. Nangangatog ang tuhod ko sa ginaw, wala pang kalahating oras ay lumabas na ko ng banyo at nagbihis. Naka-civilian ako dahil hindi pa natapos ang pinatahi namin na uniform ko. Gusto ko sanang magdala ng jacket kaso wala nang bankanteng space sa bag ko. Bumaba ako at dumiretso sa dining area.
"Kumain ka na habang mainit pa ang kanin iha." Aya ni Manang Fe.
"Salamat po, kain rin po kayo ni mama manang," umupo ako sa harap ng dining table tsaka kumuha ng kakainin ko. Umupo rin si mama sa tabi ko at kumain.
"Kailangang maaga ka pang pumasok para iwas sa trapik at makakuha ka ng magandang pwesto sa parking lot." ani ni mama, tumango naman ako sa kanya. "Kailangan mo nang sanayin ang sarili mo na maagang gumising." tumango na lang ako bilang tugon.
"May I see your schedule." sabay lahad ng kamay. Kinuha ko iyon sa loob ng bag ko at binigay sa kanya.
"5:00 pm ang last subject mo, di ba masyadong hapon na yun?" nag-alalang tanong niya.
"Ma, okay lang po yun, di naman po masyadong gabi yun, bale 6pm andito na po ako sa bahay." tugon ko para mawala ang pag-aalala niya.
"Basta, tawagin mo lang ako pag may nangyari o may naramdaman ka ha?"
"Yes ma,"
Pagkatapos kong kumain ay agad akong nag-toothbrush.
"Baon mo iha." Ani ni manang sabay abot ng bacon sandwich. Ngumiti ako sa kanya at nag-aalangan ko itong tinanggap, masyado na yata akong matanda para magbaon. Sinabayan ako ni mama sa paglabas sa bahay, dumiretso ako sa garahe para palabasin ang motor.
"Mag-ingat ka sa daan anak ha? Wag masyadong magpagabi." habilin niya, lumapit ako sa kanya at humalik sa pisngi.
"Bye Ma, ingat rin po kayo dito." bumalik ako sa motor at pinaandar ito.
Tinahak ko ang malawak na highway papunta sa unibersidad na papasukan.
Di ko malaman kung matatawa ba ako o maiinis sa nararamdaman ko habang nagmomotor. Parang bumalik ako sa pagkabata na kinakabahan at gustong umuwi kahit hindi pa nakakarating sa eskwelahan.
It's nostalgic. I can sense I already felt this before. I smiled. Nakaramdam din pala ang dating Yumiko ng kaba kapag first day. Hindi na ako nagsayang pa ng oras at pinaharurot ko ang motor para mas mapadali ang pagdating ko doon.
Pinark ko ang motor sa dating pwesto noong una kong punta dito. Dito ko na yata ipwe-pwesto ang motor ko araw-araw. Kinuha ko ang bag ko sa manobela ng motor. Huminga ako ng malalim bago ako pumasok sa gate.
"Good morning!" bati sakin ng guard.
"G-good morning din po." utal kong sabi.
Tiningnan ko ang schedule ko. Room 204.
Napaisip ako. Pag ba First day wala pang klase? Sinimulan kong hanapin ang room ko. Eto naman tayo, naf-feel ko na naman na mawawala ulit ako sa campus.
"196, 197.." malapit na ako! konting tiis na lang talaga! nakatuon sa mga numero ang mga mata ko kaya hindi ko inasahan na may makakabunggo ako.
BINABASA MO ANG
Nostalgia
Romance"I have everything, but why is that I feel incomplete?" Yumiko suffered amnesia after a car accident, She remember nothing, even her name. Pakiramdam niya, na-reincarnate siya sa ibang katawan ng tao. But years later, She learned how to cope u...