Lumipas ang unang linggo ng pasukan ngunit hindi humupa ang kuryosidad ng mga kaklase ko sa akin. Twing nagpapakilala at hindi nakakalimutang banggitin ang sitwasyon ko at kahit mga guro ay interesadong malaman ang mga nangyari sa akin. Hindi ko maiwasang mainis sa paulit-ulit na pagtatanong at pag-iiwas ko sa kanila.
Katatapos lang ng walang katapusang pagpapakilala sa sarili ay bumalik ang awkward aura. Lahat sila ay nakamasid sa akin. Nakakainis.
"Hi ate." bati sakin ng katabi ko. pilit na ngiti ang itinugon ko sa kanya. Umupo ako at niligay ang bag sa tabi ko.
"Ako nga pala si Julia Ate." pakilala niya sabay lahad ng kamay. Kinuha ko naman ito at nakipag-shake hands sa kanya.
"Yumiko." maikli kong tugon. Ngumiti siya at tiningnan ang mga kaklase na nakamasid sa likod ko,
"Pasensya ka na ate sa kanila, interesado kase sila sa nangyari sayo."
"Okay lang, lahat naman siguro magkakainteres sa ganitong sitwasyon."
"Pero pano po kayo nagka-amnesia?"
Sinasabi ko nga ba.. Pasimple rin pala to.
"Nabagok ang ulo ko." tipid kong sagot, magtatanong pa sana siya pero laking pasalamat ko ay nagsimula na ang klase. Nagpakilala siya sa amin, at katulad kanina, nandun pa rin ang highlight na ako ang pinag-uusapan.
"Enough of this discussion, sa ngayon ay hahayaan ko kayong gawin ang gusto niyo pero bukas ay magsisimula na akong magklase, mag-advance reading na kayo." may mga umangal pero tumahimik na lang din.
"Class dismiss."
Pagkaalis ni Mr. Go ay agad akong pinaligiran ng mga kaklase ko.
"Ate anong nangyari?"
"Ate pano ka nagka-amnesia?"
"Wala ka pa rin bang naaalala ate?"
Sa sobra kong inis ay hindi ko napigilang sumigaw "Pwede bang tigilan niyo ko?" tumahimik naman sila.
"Ang pinaka-ayoko sa lahat ay yung pinakekialaman yung buhay ko, have some respect please." sabay kuha ng bag at umalis sa nakakairitang kwarto.
Gumala ako sa open field ng unibersidad para magpahangin at magpalamig ng ulo, hindi nila ako masisi kung bakit sinigawan ko sila. Bakit hindi na lang nilang irespeto ang pribado kong buhay? napa-upo ako sa damuhan sa silong ng malaking puno. Napahiga ako at napapikit. Naalala ko naman ang nangyari noong bumili kami ni mama.
Autumn. Ano ang koneksyon nito sa nakaraan ko? pilit kong inalala yun, yun ang unang pagkakataon na karamdam ako nang ganung pakiramdam.
Nakakadagdag stress pa ang isang to.
Bumalik ako bago mag-umpisa ang klase namin sa English, nakakapagtataka pero nagpapasalamat akong nawala ang mga matang nakamasid sakin. Nagsimula kaming magklase, di tulad ng ibang subjects, pero mas maganda na rin ito para iwas ako sa mga tanong nila.
Nung nagbreak time agad akong lumabas at nagulat nang makitang naghihintay sa akin si Haru. "Wala ka bang kasabay aside from me?" bungad kong tanong. Umiling naman siya at ngumiti. "Ayoko sa maiingay eh." nagtaka naman ako sa sagot niya. Agad kaming dumiretso sa cafeteria at naghanap ng magandang pwesto. Hindi rin nagtagal ay nakuha na namin ang in-order at nagsimulang kumain.
"Nakakabadtrip kaya." inis kong tugon sa kanya. Tawa lang ang tugon niya. Kinuwento ko kase ang nangyari sa kanina."Ayaw mo nun? instant artista ka na?!" tumawa pa ulit."Isa pang asar, matatadyakan na talaga kita dyan." pagbabanta ko pero hindi niya pa rin pinutol ang pagtatawa niya"Eto naman! joke lang!" umirap na lang ako sa pang-aasar niya. Ilang araw ko pa lang nakakasama si Haru pero ramdam ko na komportable ako kapag kasama siya. Hindi siya nangungulit o nagtatanong tungkol sa nangyari sa akin. Marunong siyang makitungo, mapagbiro at may sense kausap. Ginugol namin ang natitirang oras sa pagkain at agad ding bumalik sa aming classrooms.
BINABASA MO ANG
Nostalgia
Dragoste"I have everything, but why is that I feel incomplete?" Yumiko suffered amnesia after a car accident, She remember nothing, even her name. Pakiramdam niya, na-reincarnate siya sa ibang katawan ng tao. But years later, She learned how to cope u...