Dear Journal,
~ Ako nga pala si FREDERICK PADILLA. 15 taong gulang. Sa apelyido palang malalaman mo na ang itsura ko. Di naman nagkakalayo ang pagitan ng mukha namin ni Daniel Padilla. Siguro, lamang lang ng 5 buwang ligo sakin yun! Di naman sa sinasabi kong gwapo ako ha. Ikaw lang nag-iisip niyan. Pero marami narin kasing nagsasabi sakin niyan e kaya di ko rin maiwasan na di sabihing gwapo ako. 3rd year highschool nako ngayong taon, pero isip bata parin ang utak. :3 Nga pala, Fred nalang tawag mo sakin. Di kasi ako sanay pag POGI ang tinatawag sakin e. Nakakasawa na din kasi.
~ Oh, tuloy ko na ha! Yun na nga!! PAPASUKIN ko na ang bago kong eskwelahan kasi nga bagong lipat ako sa paaralang ito.
Oh!! Kwento ko na ulit ha!
ITO NA!! IBUBUKA NA NIYA!! AYAN NA!! IBUBUKA NA!! IBUBUKA NA NIYA! NAKIKITA KO NA ANG LOOB! AYAN NA! MALAPIT NANG MABUKA NG MABUTI! BINUKA NA NIYA!!
SA WAKAS, NAKABUKA NAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!!!!!!
BINUKA NA RIN ANG GATE NG BAGO KONG ESKWELAHAN. WOOHOHOHOHOHOOO =))
Nakabukas na ang gate ng aming eskwelahan. Nakakagulat nga e, kasi ang laki ng pagkakabuka ng gate. Marami ring estudyante ang PUMASOK.
PAPASUKIN DIN NILA ANG KALOOB-LOOBAN, ANG PINAKALOOB! KANILANG PAPASUKIN ITO!! GUSTO RIN NILANG MAKITA ANG KALOOB-LOOBAN KATULAD KO! PAPASUKIN DIN NILA ANG KALOOB-LOOBAN ......
NG PAARALAN! =)))))
Itatago ko nalang sa pangalang Secret High School o (SHS) ang aming paaralan. ( O DIBA! TAGONG-TAGO :)) ) Medyo 'di pa saken pamilyar itong buong eskwelahan na'to kasi bagong lipat lang ako dito. Malaki rin siya. Medyo kakaiba nga lang itong eskwelahan na ito dahil mayroon silang gate, may classroom, may teacher, may janitor, may cr, may pintuan yung classroom, may chalk, may upuan. Wow grabe halos lahat na yata ng gusto ng isang estudyante nandito na. May nakalimutan pa pala ako. Meron din silang PRINCIPAL! Hanep talaga itong eskwelahan na ito. Biruin mong may principal sila?
At eto na nga, Pinapunta na kami sa kanya kanya naming section na kinabibilangan. Taas nga ng section ko e. May 1 yung section ko :D Alam mo kung ano?
21!!!!!!!!!!!!!!!
Taas diba? :'( May 1 nga :(( Pero dahil nga abnormal ako. JOKE LANG YUN :P Sa maniwala ka't sa hindi. Section 4 talaga ako! Lumuhod ba naman yung nanay ko sa guidance councilor na ilagay ako sa mataas na section e. Binigyan ng bulaklak, kape, biscuit, kulang nalang kabaong e para magmukhang ibuburol yung councilor. At ayun na nga, nadaan sa lagay yung councilor. Kaya Section 4 ang bagsak.
Andito na ako sa pila namin. Medyo nasa dulo ako kasi medyo matangkad din naman ako. Nung pinag masdan ko mga magiging kaklase ko medyo kinilabutan ako. Sabi ko sasarili ko, mukhang halloween party ata 'tong napasukan ko. Di ko masikmura e. Pero may itsura naman sila.
MASAMA nga lang XD!!
Yung iba kasi parang nangangain ng tao e. Yung akala mo nasa movie ka ng WRONG TURN tas sila yung mga cannibal. =)) Kaya nga feeling ko nanganganib ako e. Parang mali yung pinasukan kong liga HAHAHA! Di naman sa sinasabi kong perpekto akong tao ha? Di rin sa nilalait ko sila.
BINABASA MO ANG
My High School Diary (Ang Journal ng Abnormal)
Teen FictionISANG DIARY NA NAGLALAMAN NG MGA PANGYAYARE SA ARAW ARAW NG ISANG ESTUDYANTENG POGI, MACHO, CUTE, MATALINO, MATANGKAD, MAPUTI AT HIGIT SA LAHAT, NAGBIBIRO LANG AKO. PUNO NG KALOKOHAN, KATATAWANAN AT MGA MASASAYANG KARANASAN ANG NAKASULAT SA DIARY NG...