"Di mo talga kilala yan? Sikat na sikat daw dito sa 6th floor yan dahil napakasungit, maganda, matalino. Natatakot na nga ako e. Yan si LYKA. Si LYKA BOSS. Pero Gomez talaga apelyido niyan. Tol sinasabi ko sayo matindi yan." Medyo may halong nginig na sinabi sakin ni Vincent.
Ha? Bakit kaya? Grabe natatakot narin tuloy ako. Nakatayo lang siya sa harap habng lahat nag bubulungan. Hanggang sa ngumiti lang sya ng sobrang liit habang pinagmamasdan kami.
"Class, may extra chair pa ba dyan? Bigyan nyo ang kaklase nyo ng isa pang upuan." ma'am.
Shit! Merong isang bakante dito sa likod ko na walang nakaupo. -________- Itatago ko 'to!! O kaya ililipat ko sa malayo! -___-
"Ma'am, meron ata dun sa likod na bakanteng upuan." Sabi nung bagong dating.
Nagulat ako biglang nag alisan yung mga nakapaligid na babae sa tabi ko. Dating napapagitnaan ako ng mga babae, ngayon mag isa nalang ako. Pati yung mga kagrupo kong ALPHA TOROTOT umalis sa pwesto nila at iniwan akong nagiisa!! :3 Aw frame up nanaman! Ako at yung bakanteng upuan nalang yung nandito sa likod. Nako naman! Patay patay patay!!
Naglakad na yung bagong dating na kaklase namin, biglang nagsitabihan yung mga upuan ng mga kaklase ko sa dinadaanan niya. Yung tipong takot silang madaplisan o matabig yung babae na yun kasi natatakot nga sila. At ang matindi pa nito, PAPUNTA SA DIREKSYON KO!! :3 Shet. Katakot.
Pag punta sa pwesto ko ay tinitigan niya ko ng humigit kumulang ... Hindi mabilang na tagal. At tumayo lang malapit sa pwesto ko.
"Ah iha, sige na tumabi ka nalang dyan malapit sa huling naka upo dyan sa dulo. " ma'am.
ANAK KA NAMAN TALAGA NG!!
"Yes po ma'am."
At siya ay umupo na malapit sa tabi ko. Bakit kaya nila nasasabi sa kanya yun? Mukha namang mabait."Okey class, sisimulan natin ang araw ngayon sa pagboto ng ating Class Officers. Magpalakpakan naman kayo dyan." ma'am.
(Pak*Pak*Pak*Pak*Pak*Pak*Pak*Pak*Pak*Pak*Pak*Pak*Pak*Pak) ~Palakpak.
"Okey, sinong gustong magsulat pansamantala sa ating blackboard para maitala ang mga binoto ninyo. Any volunteer?" ma'am.
(Walang nagtataas ng kamay)
"Who wants to volunteer?" ma'am.
(Wala parin)
"ANTATAMAD NYO! AKO NA NGA LANG!!" ma'am.
(Pak*Pak*Pak*Pak*Pak*Pak*Pak*Pak*Pak*Pak*Pak*Pak*Pak*Pak*) ~Palakpak.
Mga siraulo talaga 'tong mga kaklase ko. Wala na ngang nagvolunteer, pumalakpak pa para mang asar.
"Okey, meron lamang tayong President, Vice President, Secretary, Treasurer, Auditor, P.R.O, G.R.O, BUGAW .."
"Ma'am walang G.R.O at BUGAW dun!" mga kaklase ko.
"Ay sorry. Tuloy natin. Sgt. at Arms, Muse at Escort. Pero bago ang lahat. Idefine nyo muna ang mga katangian ng isang officer. Unahin natin sa President. Ano bang katangian ng isang President sa klase?"
"Ma'am, IYAKIN po!"
"Laging paos, kakasigaw!"
"Actor/Actress. Mahilig magdrama sa harap!"
BINABASA MO ANG
My High School Diary (Ang Journal ng Abnormal)
Teen FictionISANG DIARY NA NAGLALAMAN NG MGA PANGYAYARE SA ARAW ARAW NG ISANG ESTUDYANTENG POGI, MACHO, CUTE, MATALINO, MATANGKAD, MAPUTI AT HIGIT SA LAHAT, NAGBIBIRO LANG AKO. PUNO NG KALOKOHAN, KATATAWANAN AT MGA MASASAYANG KARANASAN ANG NAKASULAT SA DIARY NG...