Fred and Friends. \m/

163 9 2
                                    

                                                                                       June 5, 2014

"Okey class, next week nyo pa makikilala ang mga bago nyong teacher sa iba't ibang subject nyo. Isang linggo muna nating kilalanin ang bawat isa."

Yan ang sabi ni ma'am samin habang nangungulangot ako. Etong mga kaklase ko naman tuwang tuwa. Wala pa daw kasing gagawin ng 1 linggo e. Hayz, sabi na e. Dapat talaga next week pa ko papasok. :3

"Okey, gusto ko munang gumawa o bumuo kayo ng tig-iisang grupo na mayroon lamang 5-7 na myembro. Dahil may ipagagawa ako. Ngayon na."

"Hala! 5-7 talaga ma'am? hindi ba pwede 4-7 lang?" sabat ni Kyle.

"Hindi pwede, masyadong marami yang 4-7 mo. 6-7 nalang." ma'am.

"7-8 nalang ma'am." sabat ulit ni Kyle.

"Ang kulit mo! 3-6 nalang!" ma'am.

"4-6 nalang ma'am last na." Kyle..

"Ang kulit mo talaga noh? 5-7 nalang!" ma'am.

"Yan ma'am, ayos nako dyan. Deal nako sa 5-7!!" Pag sang ayon ni Kyle.

Parang tanga yung dalawa. -____- bumalik lang din pala sa 5-7 tas nagtalo pa.

"Okey, HUMAYO NA KAYO, BUMUO AT MAGPARAMI!!" ma'am.

"KADIRI SI MA'AM!" Mga maaarte kong kaklase.

"Bakit? Sabi ko magparami at bumuo na kayo ng grupo!!" ma'am.

"Ay.." 

"Dalian nyo ha? Time is running." ma'am.

(Pustahan tayo. Yayayain ako ng mga GIRLS na maging kagrupo.) 

Hayz. Wala ba talagang mang aalok sakin na sumali sa grupo nila? Sila nagkakagulo, ako andito sa upuan ko. Nanonood ng mga nakawalang hayop sa zoo dahil sa sobrang gulo. :3

"GUYS! SINO PANG WALANG KAGRUPO DYAN? ITAAS ANG KILAY." SIgaw ng Kaklase kong si Xavier ba yun?

"Ilan nalang ba kulang sa grupo nyo?" Tanong naman ni Ernest na tila wala ring kagrupo.

"ANIM PA! AKO NGA LANG MAG ISA E." Sigaw ulit ni Xavier.

Hayz. Parang gago. Kaya pala nagtanong kasi wala ring kagrupo. Ba't pa ba ako umaasa na may mang aalok sakin na maging kagrupo nila ako? Zzz ..

"Class, time is up! Back to your proper seat."

(nagsibalik na sa upuan)

"Okey class, lahat na ba may kagrupo?" 

"Ma'am ako wala." sabi ni Vincent.

"Ikaw lang ang wala?" ma'am.

(Nagtaas din si Xavier)

"Osge, kayong dalawa na ang magkagrupo. Sino pang wala? Kayo mga girls, lahat na ba may kagrupo?" ma'am.

My High School Diary (Ang Journal ng Abnormal)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon