a/n: okay, hope you enjoy reading guys, sisikapin kong iklian ang update....
===========================
UNKNOWN TRIO
Author's POV
Kakauwi lang nina Trixie sa bahay niya at syempre kasama parin niya si Darylle na kung umasta parang tatay niya. Di naman niya yun binigyan ng kung anong meaning. Masaya nga siya at may maasahan siya at nag-aalaga sa kanya.di naman sa di siya inaalagaan ng pamilya niya, busy lang talaga mga ito.
Tomorrow is Thursday, Friday pa sana sila papasok, pero papasok si Trixie bukas mismo. Di naman siya pinigilan ni Darylle. 'Sino ba naman ako para pigilan siya?' Sabi niya sa kanyang isipan. Trixie is stubborn at napansin yun ni Darylle.
"Darylle, umuwi ka na. Pagod ka rin sa byahe, may mga katulong naman ako dito eh, so, I'm fine. I need to rest. Thanks by the way." Sabi ni Trixie sa kanya. Nagnod nalang siya, may magagawa pa ba siya?
**************
Kinabukasan.........
"Trixie!!! Anyare sayo? Nakauwi na pala kayo?" Pagsalubong sa kanya ni Airiz. Nagbuntong hininga nalang siya saka nagsalita.
"Na-sprain yung ankle ko. Kaya eto ang hitsura ko ngayon, kanina pa nga ako pinagtitinginan eh. Ngayon lang nakakita ng taong pilay? at kahapon pa kami nakauwi ni Darylle, di namin natapos ang activities sa palawan! Para akong sumali sa international pageant eh, may pa tree planting pa! tsk." Sabi niya at umirap sa kawalan. Bigla siyang napatingin sa bestfriend niya ng may maalala siya.
"Hoy, Babae! Ba't ang saya mo? At nasaan na ang gagong yun, ha? Pag nakita ko siya, pipilipitin ko leeg nun! At bakit pumasok ka ha? Di mo naman alam na andito na ako." Ganyan kadaldal si Trixie pag si Airiz kasama niya.
"Trixie!" Sigaw naman ng isang babae sa likuran nila, nakita nila si Brix na kumakaway kasama ang iba pang class A. Gulat ang ekspresyon nila except kay Darylle.
"Anyare sa paa mo? Hoy Darylle! Anong ginawa mo sa kanya ha? Sagot! Pinabayaan mo siyang mapilayan ha?" Galit na singhal ni Brix habang sinasakal si Darylle gamit ang kanang braso niya.
"Ano…ba Brix…di ko kasalanan…k-kung ba…kit…napilay siya…katangahan niya yan." Nahihirapang sabi ni Darylle, napasimangot naman si Trixie. 'Katangahan ko daw?' Sa isip-isip niya.
Naglakad papalayo si Trixie at nakasunod naman sa kanya si Airiz. Liliko nalang sila sa kanan ng building pero may humarang sa kanila na lalake. Di na nagtaka si Trixie dahil kilala na niya kung sino ang taong yun.
"Vince." She said coldly. Halos di makagalaw si Vince sa kinatatayuan niya. Ni isang beses, di pa niya narinig ang malamig na boses ni Trixie kahit sa mga bully noon ni Ai, goosebumps. He's having goosebumps. Kahit pilay si Trixie, humarang siya kay Vince at pinagtago sa likod niya si Ai.
"Tabi." Malamig na sabi ni Trixie at pati ang mata nito na nakatingin sa mga mata ng binata ay walang ka-ekspre-ekspresyon, blanko kumbaga. Masakit para sa binata na di siya mapatawad ng babaeng minahal niya noon.
"Let me explain, pakinggan niyo ako." Nagmamakaawang boses ni Vince. Hahawakan niya sana si Trixie pero may pumigil sa kanya, si Darylle at napansin naman ni Trixie na sa likod na ni Keith nakatago si Ai. They we're all there.
"Umalis ka sa harapan ko. Kahit pilay ako, I can always break your bones." Monotone na sabi ni Trixie, hindi niya napansin ang mga kasama niyang gulat na gulat sa aura niya ngayon like suddenly they're facing death. Vince, gave up and walk away, hindi niya parin matanggap how cold Trixie had become and it seems that reasons won't reach her anymore.
BINABASA MO ANG
Elite Academy (Blame it on the Ranking System)
Teen FictionEverything in Trixie's life is going on smoothly.. Kontento na siya sa isang peaceful na high school life na walang kung ano mang iniisip na problema after moving on to her next journey, but suddenly, Elite Academy made some changes sa school's rank...