Ranking

4.3K 101 9
                                    

RANKING

Airiz's POV

Kinakaban ako. Sa Friday na ipapaskil sa bulletin board ang ranking, mukhang wala silang planong i-post yun sa site ng academy.

Miyerkules ngayon at may P.E kami. Kakalabas ko nga lang sa locker room eh, kaklase namin yung taga Class B at OO, nandun si Vince. Di ko alam, pero habang naiisip o naririnig ko pangalan niya, umiiba ang timpla ko.

"Okay ka lang?" Tanong ni Trixie, sayang!! Gusto ko pa naman makita ang athletic cool side niya! Namiss ko na kasi yun. Very competitive kasi si Trixie pagdating sa ano mang contest, sports man o academic.

"Okay lang yan, nandito naman ako eh *wink*" Ani Keith. Nakapag-usap na silang dalawa ni Trixie tungkol kay Vince at mukha namang pumayag si Keith na poprotektahan niya ako. Pero napag-isip-isip ko na hindi dapat ako magpatuloy na umasa sa kanila, kailangan ko ring tulungan ang sarili ko at protektahan sa mga bagay na makakasakit sakin. Darating din ang panahon na wala sila sa tabi ko para protektahan ako kaya dapat di na ako aasa sa kanila, di na ako magiging pabigat sa kanila.

Sa gym…

"Okay class, ang activity natin sa P.E ngayonay Dance!" Eh? Puro kaliwa paa ko eh. Lagot ako nito. "By partner ito, cotillion kasi ang dance...blablabla."Pagpapaliwanag ni Sir Rogers. Kesyo daw ang Cotillion Dance nag-originate sa France chuchu, ang dami niya pang sinasabi eh.

"Fall in line ladies, gentlemen, pick your partner among these girls." Sabi ni Sir, pumila naman kami. Narinig ko pa ngang mag-'PWE' si Brix eh.

Nakapila  na kami ng maayos ngayon at hinihintay na may pumartner samin. Dun ko lang napansin na ang daming lumapit kay Xeyrah, waaaaa! Isang fans club ba yan? Haha, nahihirapan naman siyang pumili at saka may bigla nalang humablot sa kaniya mula sa likuran.

Ah, si Timmy pala, tapos may binulong siya kay Xeyrah na bigla namang napatawa at humingi ng tawad sa ibang lalake. Si Brix naman, kapartner si Darylle. Si Brandon naman may kapartner na magandang babae at naghaharutan, tss, PDA pa.

Sino naman kaya ang pipili sakin? Halos lahat sila may pares na.

"Ai" Napalingon ako sa tumawag sakin, si Vince. Nag-iiba na naman timpla ko. "Gus----" Di na siya nakatapos nang may humatak sakin papalayo sa kanya.

"Keith…" Siya ang humatak sakin. Yung tensyon sa pagitan naming dalawa ni Vince ay napalitan ng tensyon namin ni Keith. Nakatitig lang siya sakin habak hawak ang kamay ko, seryoso ang kanyang mukha na para bang sinusuri ang kaluluwa ko.

"Okay ka lang? Haha, kala ko iiyak ka na dun eh." Nakangiti niyang wika na nagpawala ng tensyon samin.

"Okay lang ako." I smiled. "Thank you, pero wag kang mag-alala, kaya ko na ang sarili ko." Kaya ko nga ba talaga? O maiiyak na naman ako?

=============================

Tapos na ang P.E, sabi ko na nga ba maaapakan ko paa niya eh. Di ako marunong sumayaw, puro kaliwa paa ko. Sorry nga ako ng sorry kay Keith kanina eh. Ang dami kasing paikot-ikot na steps eh, di ko nga kaya yung basics, ikot pa kaya?

Elite Academy (Blame it on the Ranking System)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon