THE ANNOUNCEMENT
Isang normal na school day, magsyota sa bawat sulok ng school at may naghahalikan pa nga eh, tss. Sariwang hangin na malalanghap pwera nalang kung may naninigarilyo, mauubo at magkakasakit ka pa sa baga. Geeks na abalang-abala sa pag-aaral, wala namang kakaiba kung mag-aaral sila eh, geeks are geeks. Jerks being jerks, brats being brats, mga varsity players na nag-iinsayo at isang babae na solong naglalakad sa hallway at wala man lang nakakapansin at yun ay ako.
Ako si Trixie Meryielle Marasigan, isang 3rd year high school student na naglalakad ng tahimik sa hallway. Kung tinatanong niyo kung bakit ako mag-isa ngayon, well, ayaw kong makipagsosyalan sa ibang estudyante ng Elite Academy. Baka mangyari na naman yung......basta! next time ko na sasabihin :P
It's been three months since the school year started. Kahit di ako mahilig makipagsosyalan sa iba, may kakilala din ako dito sa academy, yung mga kaklase ko nung elementary.
Habang nag-iisip ako sa mga gagawin sa lahat ng subjects di ko namalayan na may nakaharang pala sa daan. Sa bilis kong maglakad, malakas ang impact ng pagkabangga ko at bigla akong natumba.
"Shit!!" bulalas nung taong nabangga ko.
"Araaayy, sakit ng pwet ko >.<" Yun lang nasabi ko habang hawak hawak ko ang pwet ko, ang lakas kasi ng pagkaupo ko sa sahig. Di ko na pinansin ang sakit ng pwet ko ang dali-daling tumayo saka pinulot ang mga nagkalat kong gamit sa daan. ang mabilis na naglakad papalayo.
Nakailang hakbang pa lang ako nang may humawak sa kanang braso ko na dahilan ng pagkahulog ulit ng mga bitbit kong gamit. Agad ko siyang nilingon at sinamaan ng tingin. Ginantihan din niya ako ng mas masamang tingin. Problema ng taong 'to? Tss. Malelate na ako sa susunod kong subject, nag-absent pa naman ako dun sa dalawang subjects ko para lang magawa ko tong bwisit na project ko. Nagtagal kami sa ganoong posisyon at halatang nangangalay na yung kilay ko XD.. Bigla naman siyang nagsalita.
"Di ka man lang ba magsosorry?" Sabi niya na di parin nawawala ang masamang tingin sakin. YUN?? Yun lang ang problema niya? Tss.
"Oh, Sorry kung nabangga kita. Pwede bang bitiwan mo na ako at pupulutin ko pa yung mga libro ko sa sahig at pupunta na ako sa klase ko, PWEDE?" Idiniin ko pa talaga ang "pwede" para maintindihan niya. Narinig ko naman siyang nag-'tss'. Binitiwan naman niya yung braso ako at dali-dali ko namang pinulot mga libro ko at tumalikod na sa kanya. Isa, dalawa, tatlong hakbang pa lang nalakad ko nang biglang tumunog ang speaker ng school. Ano 'to? Isang announcement?
"Announcement!! All students, please proceed to the function hall now. I repeat, all students , please proceed to the function hall right now!!"
"Ano kaya yun?" sabi nung isang babae, malamang announcement diba? kung di ba naman tanga -_- . Nagtatanong pa eh.
"Ewan?" Isa pang tanga, announcement nga! A-N-N-O-U-N-C-E-M-E-N-T. tss.
"Punta nalang tayo, emergency siguro" dagdag pa nung isa.
Napansin ko namang nagsimula nang maglakad papuntang function hall ang lahat, kaya nagtungo nalang din ako dun. Ano naman kaya sasabihin ng Dean ngayon? tss.
BINABASA MO ANG
Elite Academy (Blame it on the Ranking System)
Novela JuvenilEverything in Trixie's life is going on smoothly.. Kontento na siya sa isang peaceful na high school life na walang kung ano mang iniisip na problema after moving on to her next journey, but suddenly, Elite Academy made some changes sa school's rank...