EPILOGUE
Darylle's POV
Pagkagising ko mula sa operasyon ay iyon din mismo ang huli naming pag-uusap ni Trixie.
Flashback~
"I'm sorry, nadamay kayo sa problema namin." Panimula niya, nakatalikod siya sa akin. Nakarinig ako ng hikbi kaya hinawakan ko ang kamay niya.
"Umiiyak ka ba?" Tanong ko. Umiling siya at nagpatuloy sa paghikbi. Pinunasan niya ang kanyang pisngi saka humarap sa akin.
"I'm here to say goodbye." Sa sinabi niyang iyon parang huminto ang mundo ko, may kung anong kirot ang nararamdaman ko sa puso ko. Damn! Why now? "Wag kayong mag-alala, ligtas na kayo sa kapahamakan." Pilit siyang ngumiti ngunit may luha paring kumawala sa kanyang mga mata. "Bakit ako umiiyak? Ha-ha. Dapat masaya na ako eh, lalayuan ko na kayo, wala nang pabigat, wala na akong poprotektahan. Dapat nagsasaya na ako eh, *huk* pero bakit? Bakit parang ang sakit? Tama naman si Brix eh, na kung sana di niyo ko nakilala, walang mangyayaring ganito, di ka nakahiga sa bwisit na kamang 'to!" Patuloy lang ang kanyang pag-iyak at hinampas ang kama ko. Hinawakan ko ulit ang kamay niya kaya napatingin siya sakin.
"Wala kang kasalanan, hindi mo naman ginusto ang nangyari, at pinili kong protektahan ka kesa ikaw ang mahiga sa kamang 'to." Masakit pa ang sugat ko kaya sa tiyan ko nalang tinapat ang ulo niya.
Niyakap niya ako habang umiiyak. "Nakapagdesisyon na ako, aalis ako." Bigla akong napabangon sa sinabi niya, itutuloy niya ba talaga? Hindi ko pa nga nasasabi sa kanya yung nararamdaman ko kasi kahit ako, naguguluhan kung ano ba talaga 'to.
Tumayo na siya at akmang tatalikuran na ako pero hinigpitan ko ang pagkahawak ko sa kamay niya. "Wag kang umalis, dito ka lang." Pagmamakaawa ko sa kanya pero puwersa niyang binawi ang kamay niya. Humarap ulit siya sa akin at binigyan ako ng matatamis na ngiti at winika ang mga salitang.. "Mahal kita, alam mo ba yun?" Kusang tumulo ang mga luha ko, tears of joy? sorrow? Ano?
"Mahal din kita." Wika kong nagpaiyak na naman sa kanya. Tumawa siya, isang masayang tawa. "Babalik ako, makakapaghintay ka ba?" Tumango ako. Kahit gano katagal, hihintayin ko siya. Kahit abutin man ako ng ilang taon, kahit ilang birthday pa ang lumipas, maghihintay ako.
End of Flashback~
Three months na ang nakalipas at heto ako ngayon nakatayo sa labas ng kwarto ni Airiz, pinapakinggan ang pag-uusap nila.
"ANONG WALA NA SI TRIXIE?!!! HINDI PA SIYA PATAY! HINDI SIYA PATAY!" Sigaw ni Airiz, ano bang pinagsasabi niya? Tsk, di pa patay si Trixie.
BINABASA MO ANG
Elite Academy (Blame it on the Ranking System)
Novela JuvenilEverything in Trixie's life is going on smoothly.. Kontento na siya sa isang peaceful na high school life na walang kung ano mang iniisip na problema after moving on to her next journey, but suddenly, Elite Academy made some changes sa school's rank...