Victory Party

4.3K 92 2
                                    

VICTORY PARTY

Trixie's POV

*toktoktok*

"Miss? *toktoktok*"

"Hmmm? Baket manang?" Halatang inaantok parin ang boses ko pagkatanong ko nun.

"May gustong kumausap daw po sa inyo sa telepono, kaklase mo daw po." Sabi ni manang, katulong namin.

"Sige po, dito ko na lang po sasagutin." Sabi ko at tamad na bumangon sa higaan ko at inabot ang telepono na nasa tabi lang ng lampshade ko. "Hmmmm...Hello?"

"Anong hello ka jan, kakagising mo lang ano? Anong oras na babae?" Sa pananalita at boses pa lang ay kilala ko na 'to. Si Brix lang naman 'to eh. Tamad kong tinignan ang digital clock sa harapan ko.

"3:30 na...bakit? wala kang orasan jan at dito ka nagtatanong?" Parang natatawa ako sa sinabi ko, imposible namang walang orasan sina Brix diba? Haha.

"Gaga ka talaga, may victory party kaya mamayang alas sinko. Subukan mo lang wag sumipot, pupuntahan kita sa bahay niyo at kakaladkarin papunta dito kahit naka-pajamas ka pa. Ano ha? Pupunta o pupunta? Mamili ka?" Ang pushy talaga ng babaeng 'to. Pupunta naman talaga ako kaya lang tinatamad ako kasi antok na antok pa ako.

"Psh. Oo na, ang aga pa oh. Tsk. Maliligo lang ako." Binabaan ko na siya ng linya, napapamura na yun sa ngayon, haha. Makaligo na nga.

30 minutes ako sa banyo kasi pakanta-kanta pa ako bago maligo, alam niyo namang isa tayong SINGER sa loob ng banyo. Hahaha. Ginawa ko na lahat ng kasunod pagkatapos maligo. Naka-white with flowery design dress ako at brown blaser na hanggang siko at brown doll shoes. Ayoko mag-heels, di ako makagalaw ng maayos.

4:45 na at sigurado naman akong tama ang oras na 'to para umalis na. Nakasalubong ko pa si Kuya Miko, talking to someone on the phone.

"Kuya, aalis na ako." Pagpapaalam ko.

Nilayo niya sa kanya yung cellphone at hinalikan ako sa noo bago winika ang mga katagang, "Take care, honey. You sure you don't need guards?" Toinks. May brother complex talaga ako sa tatlo lalo na kay Kuya Miko. Umiling ako. "U-uhhh, subordinates?" Mas lalo akong umiling. He's really overprotective. Nginitian niya nalang ako at binalik sa taenga yung telepono niya. "WHAT? DON'T YOU DARE COME HERE! - Stubborn woman! - Wha- Sh-t....." Ayaw ko nang makinig sa sasabihin ni Kuya.

Di na ako nagpahatid, ako na mismo ang magda-drive ng sasakyan ko. Nang makalabas ako sa gate parang may nakita pa akong pigura ng isang tao sa kakahoyan pero pagbalik ko ng tingin, wala na ito. Siguro namamalikmata lang ako.

Ang party na muna ang aatupagin ko.

Someone's POV

"YOU USELESS IDIOT! PURO KA SALITA! NOW YOU'RE HERE LOOKING LIKE A TRASH?! BULLSHIT! USELESS!" Sunod-sunod kong mura sa walang kwenta kong alagad. Psh! A simple mission! Ang daplisan lang ang PA-IN hindi pa magawa! NakakaBWISIT!

Iniinda nito ang sakit sa katawan na natamo niya sa kadahilanang di ko alam.

"P-patawarin niyo a-ako. M-may nakialam sa p-plano kagabi. Mukhang n-nalaman nila ang p-plano, M." Aniya nang napahawak ito sa kanang bahagi ng kanyang katawan.

Elite Academy (Blame it on the Ranking System)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon