Chapter 11

21 0 0
                                    

Nandito kami sa Tagaytay dahil dito gaganapin ang first shooting namin. Nasa loob ako ng tent dahil inaayusan na ako ng mga make-up artists ko habang ako naman ay nag mememorize ng mga lines para sa scene naminmamaya.

"Ms. Perrie, are you ready?" tanong ng PA ko

Tumango ako at inayos ng sarili ko sa harap ng salamin. I know I do look good pero parang na coconsious ko sa itsura ko. First time ko yatang mag alala sa looks ko. Andito kasi si Tyronn eh, worst, katambal ko pa siya. Ayoko naman na may mapuna siya sakin.

Nagstart na ang shooting. Tiningnan ko si Tyronn at naka black na sando, Knee lenght na maong pants at pair of slippers.

lang siya. Kahit iniiwas ko ang tingin ko sakanya at ayaw mag paawat ng mga mata ko. Arrrrghhg! Bakit ba kahit ganyan mg suot niya ang hot niya pa din? Letche! Ano ba itong mga pinag iisip ko!

Umupo ako sa sofa sa set at ipinikit ang mga mata. Nakakapagod ang shooting! I know I did well dahil 1-2 takes lang ang inabot kada scene kaya mabilis natapos. Bwisit na Tyronn! Parang kada my scene kami inaakit niya ako! Kapal ng mukha. Kala naman niya magpapaakit ako. In his wildest dreams. Kahit parang may sariling buhay ang katawan niya dahil sobrang well build at firm ng mga muscles nito. Halatang halata kasi sa soot niya.. pero kahit na no! Nakakita na ako ng maraming ganyan kaya sanay na ako!

Naramdaman ko na may kamay na mag cover sa mga mata ko. The heck?

"Tired?" THAT VOICE!

Lawrence!

Boses niya palang alam kong siya na yon!

"Lawrence!!!" Tinanggal niya ang mga kamay niya at hinarap siya.

He smiled at me. Omg!! Bakit ba sobrang gwapo nitong isang to?!

"A-anong ginagawa mo dito?" Kasi naman! Di man lang nag tetext na pupunta siya dito!

But somehow.. Natutuwa ko na nandito siya. Hay ewan!

"Checking you out?" Pinakita niya sakin ang dala niyang paper bag na mayroong pagkain.

Napangiti naman ako. This guy is really sweet!

"I bought some foods. Baka kasi gutom ka na rin," Tinabihan niya ako at nilapag ang pagkain sa mesa. My god, Lawrence, stop it. Stop being so nice, please.

"Tamang tama! Gutom na rin kasi ako!" Nginitian niya ako at binuksan ang paperbag. Starbucks ang binili niya. 2 Frapp at cake. Natuwa naman ako dahil favorite ko talagang umiinom ng frapp. Napaka refreshing kasi. Lalo na at pagod na pagod ka sa mga shooting na ganito.

"Ikaw talaga! Di ka man lang nagtext na pupunta ka pa dito!" Ininuman ko ang Caramel frapp na dala niya.

Alam niya kasi ang venue ng shooting namin ngayon dahil nabanggit ko iyon sakanya last time na nagkasama kami. Di naman niya nabanggit na dadalawan niya ako dito sa set.

"Well. I really wanted to surprise you." He chuckeled. A sexy one. Ohmy Lord! Bakit ba ubod ng gwapo ang isang ito? Ngiti palang niya parang biglang naglabasan ang rainbow sa harapan ko at nagtatalon. Ano ba naman yan! 

"Ikaw ha! Umamin ka nga sakin! Crush mo ako no!" Tinulak ko siya ng marahan at tumawa. Wala na talaga kasi akong masabi kaya yon nalang ang lumabas sa bibig ko. Malay mo naman diba? I'm Perrie Salvatorre!

"H-hindi no! Assuming!" OMG? Is this freaking true? Lawrence Sy is blushing in front on me dahil tinanong ko kung crush niya ako? Seriously? HAHAHAHAHA! He looks more hansome when he blushed!

"Really? Bat ka namumula?" I teased him. Bumaling naman siya ng tingin sa cake na kinakain niya. Hahahaha! 

"Yiiiiiieeeee. Lawrence crush mo ako no? Yieeeeeeeeee." Humalakhak na ako at tinuro turo siya gamit ang isang daliri ko. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 08, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Little White Lies (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon