Dear Diary,
I'm just reminiscing my memories with Jake. Yung mga messages namin dalawa sa messenger at text binabackread ko yun. And realization hits me:
Ako lang pala talaga ang nag-aasume. Okay lang naman na mangarap hindi ba? Hindi naman masama na mag-imagine ka ng mga bagay bagay na gusto mo. Kaya lang darating talaga sa puntong kailangan mong tanggapin ang masakit na katotohanan na hindi lahat ng gusto mo umaayon sayo. Haaays. Aru.
Ang mga messages niya diary, hiyang hiya kung ikukumpara sa mga messages ko sa kanya. 'Haha' 'Gege' 'K lang.' 'Lol' at kung anek anek na maisip niyang maisagot sa akin. Yun bang matatawag mo na may mareply lang. Tapos madalas niya rin akong iseen.
Si Crush, lampa. LAMPAkealam sa akin. Aru.
Binabati naman din niya ako saka kinakausap sa school. Dagdag mo pa doon na magkaklase nga kami kaya matik na rin na makipag-usap siya sa akin. Ako naman tong si Fil-Am (Half Feelingera Half Ambisyosa) binigyan ng mga meaning yung bawat ginagawa at sinasabi niya sa akin.
Moral diary? Ang natutunan ko dito eh yung hindi ka pala dapat nagbibigay kahulugan sa bawat sinasabi sayo ng isang tao. Lalo naman na sa crush mo. Basta, kung ano lang yung ginagawa nila or niya sa iyo, isipin mo na normal lang yun. Walang malisya, kyeme lang, happy happy lang. Wala lang.
Kasi the more you assume and the more you expect, the more the disappointments. Lagi ko nang itatak sa isip ko yung pinaka the best na advice ni Althea sa akin as of now.
WAG KA NANG UMASA, MASASAKTAN KA LANG.
Sige Diary, thank you ulit sa pagbibigay ng pahina mo para masulatan ko ng mga hinanaing ko. I love you diary at salamat sa hindi mo pag-iwan sa akin. Salamat rin kay Althea syempre. Mahal ko kayong lahat! Mwah!
-Gabbie hart hart
Ps. Moving on is not about forgetting the past. It is about accepting it and making it a lesson for the present and future.
Pps. Mali yata grammar ko diary. Hahaha okay lang ikaw lang naman at ako ang nakakabasa nito.
Ppps. Pero syempre nahihirapan pa rin akong magmoveon, kaklase ko siya eh. Pero act normal lang. Kaya ko toh!
BINABASA MO ANG
Diary ng Sawi
HumorMeet Gabbie Salazar, ang babaeng pilit na umaasa sa hiwaga ng pagmamahal kahit gaano pa karami ang kanyang kasawian. From SAWI, kailan kaya siya magwaWAGI?