Dear Diary,
Sinabihan ako ng bestfriend ko na napakaOA ko daw. Hala siya oh, hindi niya kasi alam ang pinagdadaanan ng mabroken hearted kaya siya ganyan. Grabe, imbes na icomfort niya ko eh mas nakikita ko sa kanya yung pagkairita niya. Kunsabagay, parang ang OA ko nga kasi ngawa ako nang ngawa sa kwarto ko kasama siya. Pero hindi mo naman ako masisisi kasi nga nahurt ako nung malaman ko na in a relationship na pala si crush.
Pero ang pinaka tumatak sa akin ay yung sinabi niyang advice at yung way ng pagsabi niya. Ito yun:
"WAG KA NANG UMASA MASASAKTAN KA LANG!!" Grabe, halos mabingi ako nung sinigaw niya yan at talagang sa tapat pa mismo ng mukha ko niya sinabi-- sinigaw yan. May mga naramdaman tuloy akong tilamsik. Eeewww.Pero tama nga naman siya, wala akong mapapala sa kakaasa. Pero huhuhuhuhu, akala ko naman kasi ay parehas na kami ng nararamdaman ni crush. Oh well akala lang pala.
Sige Diary salamat sa pagdamay sa isang sawing tulad ko. Lovelots xoxo!
-Gabbie ng buhay mo.
Ps. Still trying to forget him. I hope I can. I know that time heals and eventually this broken heart of mine will mend.
Pps. Pansinin niyo english ko.
Ppps. May pumatak na dugo sa page 5 ni diary. HAHA.
BINABASA MO ANG
Diary ng Sawi
MizahMeet Gabbie Salazar, ang babaeng pilit na umaasa sa hiwaga ng pagmamahal kahit gaano pa karami ang kanyang kasawian. From SAWI, kailan kaya siya magwaWAGI?