Gabbie's POV
Hindi mapagkakaila ang ningning ng kanyang mga mata, lalo na ang matatamis na ngiti sa kanyang mga labi. Parang gusto mo na lamang panoorin siya magdamag at alam mong hinding hindi mo siya pagsasawaan.
Tumingin ka lang sa kanya, unti unti ka nang lumulutang.
Paano kapag tumingin siya, edi malamang sa alamang lumilipad ka na sa alapaap niyan.
Ganyan kapag nagkaroon ka ng 'crush'
Ang cliché. Oo super cliché. Pero kapag naramdaman niyo na ang pakiramdam na ito, siguradong ayaw niyo na itong takasan dahil sa sobrang kasiyahan ang nararamdaman.
Masyado na ba akong makata? Serenemern. Haha.
Ganito kasi yan.
Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito simula nung makita ko siya pero mukhang tinamaan nga ako sa kanya.
Classmate ko siya ngayong grade 11. Si Jake Aragon. Isa rin siya sa pinakapopular na estudyante dito sa school na pinapasukan namin. At ako naman si Gabrielle Salazar, isa sa mga nabighani sa kagwapuhan niya. Shems!
"Sino ba yan?" Iritang tanong sa akin ni Althea. Hindi ko na lang siya pinansin. Si Althea Escayde ang aking bestfriend mula pa noong Grade 7. Kaya lang ngayon, ay hindi ko siya kaklase dahil magkaiba kami ng track na kinuha para sa Senior high.
Anyway, nandito kami ngayon sa may cafeteria dahil nga break na namin. Mabuti nga at may free wifi dito para maistalk ko si Crush. Para if ever lang na manligaw siya at sagutin ko (which is surelaloobells na.) ay alam ko na kaagad yung mga likes and dislikes niya tapos yung personal infos tungkol sa kanya diboh? Galing is meh. Haha. Just in case lang naman. Sana.
So ayun tuloy tuloy lang ang pag scroll scroll down ko sa wall niya. Ninerbyos nga ko nang muntikan ko nang malike ang picture niya noong last last year pa. Whew! Buti naiwas kaagad, kundi baka makahalata si crush at magfreakout. Kabado bente ako doon ah!
Paano nga ba nagsimula ang Lovestory namin-- luh? (Kala mo talaga may lovestory eh. Pisilin ko ventricle mo dyan.) So ito na nga, I will make kwento kwento about it.
Nagsimula lang naman ito noong bakasyon pero malapit na rin sa first day ng school namin. Tutal kakasimula pa lang naman nitong pagiging senior namin. Well ito na nga yung nanyari, parang katulad nga ng mga nangyayari sa Teleserye na magkakasalubong at magkakabanggaan ang bidang babae at lalaki at may mamumuong sparks sa mga mata nila.
Well hindi naman ganoon ka eksakto.
Paano ko ba sisimulan? Kung sa flashback na lang kaya?
"Grabe ang bigat bigat naman nito!" Reklamo ni Althea sa daladala niyang maleta.
Kalilipat lang namin sa lugar na ito at ito na nga. Nililipat na nga rin namin ang mga gamit namin mula sa sasakyan papunta na dito sa nilipatan naming bahay.
Pinaalam na namin ito sa mga parents namin at mabuti nga at pumayag sila. May tiwala naman sila sa amin at saka sinasanay na rin nila na maging independent kaming dalawa ni Althea. Ganun pa man, nagpapadala pa rin sila ng pera kapag kinakailangan namin. Mabuti na lang at may sufficient allowance kami na galing sa mga naipon naming pera noong nakaraang school year para sa ganon ay hindi kami masyadong hingi nang hingi.
BINABASA MO ANG
Diary ng Sawi
HumorMeet Gabbie Salazar, ang babaeng pilit na umaasa sa hiwaga ng pagmamahal kahit gaano pa karami ang kanyang kasawian. From SAWI, kailan kaya siya magwaWAGI?