Dear Diary,
'Good Day! Start your day with a :)'
Nasa akin pa rin at hawak hawak ko pa ang letter na nakita ko sa aking mahiwagang vault-- I mean locker.
Pumasok ako kanina sa school diary and do the same thing as well. Lesson, Aral(baka?), Kain, tulog, blah blah blah. Tapos may pinagawa sa aming paper activity na ipapasa bago mag-uwian kaya naman bago ako umuwi eh kumuha ko ng mga gamit na nakaimbak sa aking mahiwagang vault para masimula na yung activity. Ayokong late na nagpapasa eh.
Doon ko ito nakita diary. Pagkabukas ko ng locker ko ay ito agad ang nakita ko. Kinuha ko yun kasabay ng mga gamit na kakailanganin ko tapos tinupi ko yung papel at nilagay sa bulsa ng palda ko. Then nagstart na kong gawin yung activity sa may cafeteria.
Well, naipasa ko naman diary yung pinagawa sa amin. Kaya heto't nakauwi na ko at sumusulat na sayo.
Kaya lang diary, nakakaaning pa rin sa isipan ko kung kanino ba galing tong sulat na ito. Imposible naman na kay Althea ito dahil hindi naman malambing yung babaitang yun. Mas lalo naman kay Jake na may girlfriend na.
Kanino ba galing to?
-Gabbie
Ps. Ang ganda na penmanship, ang cute kasi nakasulat siya sa light pink na colored piece of paper.

BINABASA MO ANG
Diary ng Sawi
HumorMeet Gabbie Salazar, ang babaeng pilit na umaasa sa hiwaga ng pagmamahal kahit gaano pa karami ang kanyang kasawian. From SAWI, kailan kaya siya magwaWAGI?