I. Mula sa Probinsya ng: Visayas, particular sa Cebu
II. Kategorya: Mga mangangain ng patay o mamatay na tao
III. Natatanging Kapangyarihan: Palitan ang mga ninakaw na bangkay sa kabaong gamit ang puno ng saging.
IV. Etimolohiya: ??? (Salamat po sa makakatulong sa akin na makahanap ng etimolohiya ng salitang bal-bal. Huwag po ninyong kalimutan ang link, thank you!)
V. Deskripsyon:
Ang mga bal-bal ay may mabahong hininga katulad ng nabubulok na karne, matatalas na kuko at ngipin upang makakain ng matitigas na bangkay.
VI. Panlaban o Pangontra:
Ayon sa paniniwala, nagnanakaw ng mga bangkay sa kabaong ang mga bal-bal kapag tulog lahat ng mga nagbabantay sa yumao. Kaya nauso ang "lamay" sa kulturang Pilipino dahil sa paniniwala na dapat bantayan ng mga kamag-anak ang kanilang yumaong mahal sa buhay upang hindi ito manakaw ng bal-bal. Gumagamit din ang mga sinaunang Pilipino ng apoy na nakasindi malapit sa kabaong upang magsilbing pantaboy sa bal-bal. Higit sa apoy, noong mga panahong hindi pa uso ang kuryente; umaawit at nagdadasal ang mga bantay upang hindi makatulog sa lamay.
Upang malaman kung napalitan ng bal-bal ang katawan sa loob ng kabaong, may iba't-ibang pamamaraan na ginagawa ang mga sinaunang Pilipino. Ang iba ay iniiwang bukas ang kabaong habang nilalabas sa bahay. Biglang magpapalit ang bangkay at mapapalitan ng puno ng saging kung nanakaw ng bal-bal ang katawan. Ang iba ay binabagsak ang kabaong at bigla umano magiging puno ng saging ang laman nito kapag napalitan ng balbal ang laman.
VII. Unang Lumabas:
Dayanghirang: Ikasiyam na Kabanata: Ang Huling Binukot
VIII. Papel sa Dayanghirang:
Sa dayanghirang, nakilala natin ang bal-bal na nasa ilalim ni Heneral Melinda E. Grava. Tinawag niya ito itong gumawa ng pekeng bangkay ni Anastacio upang mapagtakpan ang sanhi ng kamatayan ng matanda. Bilang kapalit sa serbisyo ng engkanto, binigay ni Melinda sa bal-bal ang mga patay na katawan ni Noel na dalaketnon at ni Kapra na tahamaling.
IX. Sanggunian:
- http://translate.sandayong.com/cebuano/english/balbal
- http://en.wikipedia.org/wiki/Bal-Bal
- http://creaturesofmidnight.blogspot.com/2013/02/bal-bal-busaw-philippine-ghoul.html