Ang Tahanan ng Kasamaan: Buringcantada

327 8 15
                                    

I.                   Mula sa Probinsya ng: Bicol

II.                Kategorya: Engkantong higante

III.             Natatanging Kapangyarihan: Pagtatawag ng iba pang engkanto gamit ang pagsipol.

IV.             Etimolohiya: ??? (Malaki ang aking pasasalamat sa kung sino man ang makakatulong sa akin na maghanap ng etimolohiya ng salitang ito)

V.                Deskripsyon:

Ang mga buringcantada ay mga higanteng may isang mata na nakatira sa isang magarbong tahanan na gawa sa mga dahon at halaman na puspos ng mga bulaklak bilang dekorasyon. Madalas na nagtataglay ng iba’t-ibang silid ang tahanan ng mga buringcantada na mayroong ding kusina at kisame na may butas. Mayroong mga mahahabang sungay mula sa kanilang mga bibig ang mga buringcantada at madalas na may mga kasamang ibang mga alipin o engkanto.

VI.             Panlaban o Pangontra:

Malakas man ang mga buringcantada ay mahina ang kanilang pag-iisip at madali silang maloko. Ayon sa isang alamat sa Bicol, si Juan, na napadpad sa tahanan ng isang buringcantada kasama ang kanyang ina ay nagtatago sa butas ng kisame matapos maramdaman ng engkanto ang kanilang presensya. Noong tanungin ng buringcantada si Juan kung siya ay may mahabang buhok, binaba niya ang isang mahabang lubid na kanyang bitbit. Nabigla ang halimaw, lalo pa’t noong tanungin niyang muli si Juan kung siya ay nagtataglay din ng matatalim na sungay katulad niya. Sinunod na linabas ng binata mula sa kisame ang isang palakol at ito ay lalong ikinatakot ng lamanlupa. Noong magtanong muli ang buringcantada kung malakas din ba ang tunog ng tiyan ni Juan kapag ito ay kanyang pinapalo, gamit ang tambol na kanyang natagpuan sa kanyang paglalakbay ay natakot niya ang halimaw. Umalis ang buringcantada sa kanyang tahanan dala ng takot mula kay Juan kaya’t nabuhay ng matiwasay at marangya ang binata dahil madaming naitatagong yaman at salapi ang tahanan ng engkanto.

VII.          Unang Lumabas:

Dayanghirang: Ikalabing Siyam na Kabanata- Aghoy at Buringcantada

VIII.       Papel sa Dayanghirang:

Sa Dayanghirang, bahagya kong binago ang anyo ng buringcantanda. Isa pa sa malaking pagbabago na aking ginawa ay ang pagpapatalino ko sa engkanto, hindi tulad ng kanyang katangian sa alamat na “Si Juan at ang Buringcantada” sa Bicol.

Ang buringcantada ay nakilala natin sa Kabanata kung saan naganap ang Pangangalap kay Urduja na linghid sa kanyang kaalaman ay isa palang babaylan at hindi pala labing-anim na taong gulang kundi labing-walong taong gulang na. Malakas ang buringcantada na nagtawag pa ng mga kasama, ang mga aghoy, upang magapi at mapatay sina Urduja at Sarry. Sa tulong ng ka-kasunduan ni Urduja, si Lalahon, nagapi ng dalaga ang unang engkantong nakasagupa niya.

IX.             Sanggunian:

-          http://www.mysiquijor.com/MagicCreatures.htmlhttp://listverse.com/2009/11/20/top-10-scariest-filipino-monsters/

-          Si Juan at ang Buringcantada, isang alamat sa Bicol ayon sa pagkakalahad ni Pacifico Buenconsejo na kanyang nadinig mula sa kanyang lola

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 13, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Galing: Talasanggunian ng DayanghirangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon