Ang Tunog ng Pagwawakas: Ang mga Kumakatok

314 8 11
                                    

I.                   Mula sa Probinsya ng: Laganap sa buong bansa

II.                Kategorya: Signos ng kamatayan

III.             Natatanging Kapangyarihan: Pagpapahayag ng mensahe na ang pagkatok nila sa isang bahay ay pangangahulugan na mayroon mamamatay na miyembro ng pamilya sa loob ng tahanan na iyon.

IV.             Etimolohiya: Mula sa “katok,” (to knock) dahil sa ginagawa niyang paraan ng pagpaparamdam sa mga kabahayan.

V.                Deskripsyon:

“Tok, tok, tok,” tunog ng pinto sa kailaliman ng gabi. Pagtungo mo upang tignan kung sino ang nanggagambala sa kasarapan ng iyong pagtulog ay nagulat ka sa mga nilalang na tumambad sa iyong harapan: tatlong taong nakatago ang mga mukha!

Ang mga kumakatok ay binubuo ng tatlong hugis tao na nilalang; isang magandang batang babae at dalawang matatandang lalaki. Walang nakakaalam kung ano ang kanilang tiyak na hitsura dahil ang mga ito ay nakasuot ng damit na naikukubli ang kanilang anyo.

Ang pagkatok ng mga kumakatok ay nangangahulugang mayroong mamamatay na miyembro ng pamilya sa loob ng tahanan. Sagutin man o hindi ang kanilang pagkatok, magtutuloy pa rin ang pagkawala ng isang mahal sa buhay.

Walang nakakaalam kung paano nabuo ang grupo ng mga kumakatok. Ang tiyak ng mga tao noong unang panahon ay laganap ang mga ito tuwing panahon ng epidemya at digmaan, partikular noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Matapos ang digmaan, sinabing bumaba ang bilang ng mga kumakatok dahil naguho ang mga lumang kabahayan at istruktura sa ating bansa.

VI.             Panlaban o Pangontra:

Hindi mapipigil ang kamatayan. Ang tangi lamang maiiwasan ay ang pagkatok ng mga kumakatok. Sinasabing ang pagpinta ng puting krus sa pinto ay pinipigilan ang panggugulo ng mga kumakatok sa isang tahanan, subalit ito naman umano ang naging dahilan kung bakit lumipat ang mga kumakatok at nagpaparamdam na din sa mga pampublikong gusali, hospital at simbahan.

VII.          Unang Lumabas:

Dayanghirang: Ika-apat na Kabanata-Ang Tatlong Kumakatok

VIII.       Papel sa Dayanghirang:

Sa Dayanghirang, nakilala natin ang mga kumakatok bilang isang kasangkapan sa Paghalad, ang rito upang malaman kung sino ang ka-kasunduan ng isang babaylan. Ginagamit din ang mga kumakatok sa rito upang matukoy kung ang babaylan ang dayanghirang. Hindi pa ganap na alam ang dahilan kung bakit takot ang mga kumakatok sa dayanghirang. Kinakailangan ng isang malakas na kapangyarihan upang matawag ang pinto na ginagamit sa rito ng Paghalad. Mayroong dalawang sitwasyon kung saan hindi na kinakailangang isagawa ang rito ng Paghalad: una, kapag isang Panglima ang lakan o lakambini ng babaylan at pangalawa, kung kusang nagpakilala ang lakan o lakambini sa babaylan.

IX.             Sanggunian:

-          http://en.wikipedia.org/wiki/Kumakatok

-          http://listverse.com/2009/11/20/top-10-scariest-filipino-monsters/

-          https://sites.google.com/site/philmyths/lesson-4

Galing: Talasanggunian ng DayanghirangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon