Ang mga Pakpak ng Lagim:Manananggal

359 9 5
                                    

I.Mula sa Probinsya ng: Visayas, particular sa Capiz, Iloilo at Antique

II.Kategorya: Mangangain ng tao

III.  Natatanging Kapangyarihan: Hatiin ang katawan; ang itaas na bahagi ay lumilipad

IV.Etimolohiya: Mula sa “tanggal,” (to separate) dahil sa napaghihiwalay nito ang itaas at ibabang bahagi ng kanyang katawan

V.Deskripsyon:

Ang mga manananggal ay kadalasang mga babae na nagpapalit-anyo sa pamamagitan ng pagpahid ng espesyal na langis o lana sa kanilang katawan. Mayroon itong mala-paniking mga pakpak na tumutulong dito upang makalipad at lubhang nakakapangilabot ang hitsura nito namakikita mo pa ang mga laman-loob nito na nakalaylay habang ito ay lumilipad.

Hindi madaling makakilala ng isang manananggal. May mga kultura na nagsasabi na sa umaga, isang magandang babae ang manananggal; hindi mo sukat akalain na sa likod ng isang maamong mukha ay nagkukubli ang isang malignong nahindik-hindik ang hitsura.

Kadalasan kumakain ng mga sanggol sa sinapupupunan ang mga manananggal. Naghahanap ang mga ito ng mga buntis na maaring maging biktima nila. Sa pamamagitan ng mahahaba nilang dila na nilulusot sa mga siwang o butas ng bubong, nasisipsip nila at nakakain ang wala pang muwang na sanggol mula sa tiyan ng buntis. Madalas sinisisi sa mga manananggal ang dahilan kung bakit maraming nakukunan na mga buntis sa isang barrio. May mga ibang kultura di naman sa ating bansa na sinasabi na ang mga manananggal ay sinisipsip ang dugo ng mga walang malay nitong mga biktima.       

VI.Panlaban o Pangontra:

Bawang, rosaryo, pagbudbod ng asin o abo sa naiwang ibababang bahagi ng manananggal upang hindi na muli magdikit ang katawan nito na kanyang Ikamamatay sa oras na siya ay masinagan ng araw.

VII.Unang Lumabas:

Dayanghirang:Ikatlong Kabanata-Ang Arnis at Kaperosa

VIII.       Papel sa Dayanghirang:

Sa dayanghirang, nakilala natin ang manananggal bilang unang maligno na nakita ni Haliya noong naganap ang Pangangalap sa kanyang kaarawan. Sa kasamaang-palad, sumapit ng kalunos-lunos na kamatayan ang manananggal na nakita ni Haliya sa arnis ni Rosendo na tinulungan ng kadenang usok ni Lira, ang kaperosa.

IX.             Sanggunian:

-http://en.wikipedia.org/wiki/Manananggal

-http://philippinemythicalcreatures.blogspot.com/2012/07/the-filipino-vampire-manananggal.html

Galing: Talasanggunian ng DayanghirangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon