I. Mula sa Probinsya ng: Visayas, particular sa mga Hiligaynon
II. Kategorya: Mga aswang na bigong ipasa ang kanilang kapangyarihan
III. Natatanging Kapangyarihan: Pagbangon muli sa hukay mula sa kanilang mga sementeryo
IV. Etimolohiya: Mula sa salitang Hiligaynon na nangangahulugang “magpakita muli.”
V. Deskripsyon:
Pinaniniwalaan na noong unang panahon, may mga aswang na bago mamatay ay pinapaso ang kanilang “galing” o kaaswangan sa susunod nilang lipi sa pamamagitan ng pagluwa ng isang itim na bato, buto o sa iba ay kapsula na ilulunok ng susunod na magiging aswang. Subalit may mga aswang na bagong isalin ang kanilang kapangyarihan sapagkat wala silang kamag-anak o kung mayroon man, walang nais magmana ng kapangyarihan na ito. Kaya’t pagkagat ng dilim, kasabay ng kanilang kabiguan ay ang kanilang pag-ahon muli mula sa hukay upang maghasik ng lagim: mga amalanhig.
Ang mga amalanhig ay kamukha lamang ng isang pangkaraniwang tao subalit malalaki ang kanilang mga pangil. Matigas at mabagal silang kumilos dahil sa estado ng kanilang mga kalamnan. Ayon sa ibang paniniwala, ang isang bangkay na pinaniniwalaang amalanhig ay hindi nabubulok kapag tinignan ang kanilang mga kabaong at tila sila ay natutulog lamang.
VI. Panlaban o Pangontra:
Ayon sa ibang paniniwala, upang makatakas sa isang amalanhig, kailangang tumakbo ang biktima ng pagewang-gewang upang hindi mahabol ng halimbaw na lubhang matigas na ang katawan. Ang pag-akyat sa mataas na lugar ay epektibo din dahil walang kakayahang makaakyat sa mga matataas na lugar ang mga ito. Ang pagtawid sa malalim na bahagi ng tubig ay makakatulog din dahil ayon sa mga paniniwala, takot sa malalim na bahagi ng tubig ang mga amalanhig.
Mayroon ding ibang paniniwala na upang hindi na muling bumangon sa hukay ang isang amalanhig, kinakailangang itali ang bangkay at ilibing ito ng nakadapa (nakaharap sa likod ng kabaong) upang hindi makalabas sa hukay ang amalanhig dahil sa kabilang direksyon ito magbubungkal upang makalabas.
VII. Unang Lumabas:
Dayanghirang: Ikasampung Kabanata: Huling Paghahatid
VIII. Papel sa Dayanghirang:
Sa dayanghirang, nakilala natin ang mga amalanhig bilang mga alipin ng babaylan na si Melinda E. Grava, ang Lupa ng Hilaga at isa sa apat na heneral ng Kayumanggi. Gamit ang kanyang bertud, ang karayom ni Piganun, at ang kanyang espiritwal na kapangyarihan, natatawag ni Melinda ang mga bangkay mula sa ilalim ng lupa upang maging mga amalanhig.
IX. Sanggunian:
- http://www.bohol.ph/kved.php?sw=amalanhig&where=hil
- https://sites.google.com/site/philmyths/lesson-3
- http://en.wikipedia.org/wiki/Amalanhig
- Pedro Penduko at ang mga Engkantao: Episode 1